LGU of Linasin

LGU of Linasin ⚜️Official page of the Local Government Unit of Barangay Linasin San Marcelino,Zambales

KITAEN📸| Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month, nakiisa ang mga Barangay Linasin Officials sa isi...
12/06/2026

KITAEN📸| Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month, nakiisa ang mga Barangay Linasin Officials sa isinagawang Motorcade at Information, Education, and Communication (IEC) Campaign noong araw ng Martes, ika-09 ng Hunyo,2026.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa ilalim ng pamumuno ng ating nahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa epekto ng plastic pollution sa kalusugan at kapaligiran, gayundin ang hikayatin ang mga mamamayan na makiisa sa mga hakbang tungo sa mas malinis, ligtas, at sustenableng komunidad.

Ang Philippine Environment Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo alinsunod sa Proclamation No. 237, Series of 1988 upang palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng bawat Pilipino sa pangangalaga at pagpapanatili ng likas na yaman at kapaligiran ng bansa.

12/06/2026

🍃🌏 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲🌏🍃

Alinsunod sa 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗡𝗼. 𝟮𝟯𝟳, 𝘀. 𝟭𝟵𝟴𝟴, ang buong buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang bilang 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 upang higit na mapalawak ang kamalayan ng publiko sa mga usaping pangkapaligiran, mahikayat ang sama-samang pakikilahok sa pangangalaga at wastong pamamahala ng ating likas na yaman, at maisabay ang bansa sa mga pandaigdigang inisyatiba para sa kalikasan gaya ng pagdiriwang ng 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗮𝘆 tuwing ika-5 ng Hunyo.

Sa pagdiriwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲, muli nating pinagtitibay ang ating responsibilidad bilang mga tagapag-ingat ng kalikasan. Ang bawat simpleng hakbang—tamang paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, pagtatanim ng mga puno, at pakikilahok sa mga programang pangkalikasan—ay may malaking ambag sa paglikha ng mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang komunidad.

Sa pangunguna ng ating butihing Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, katuwang ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗘𝗡𝗥𝗢), sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗥. 𝗕𝗲𝗹𝘁𝗿𝗮𝗻, 𝗠𝗘𝗡𝗥 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, inaanyayahan ang lahat ng Marcelineans na makiisa sa mga aktibidad at programang nakatuon sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Sama-sama nating isulong ang mga gawaing makakalikasan upang matiyak ang isang mas maayos at sustenableng kinabukasan para sa susunod na mga henerasyon.

🌱 Ang kalikasan ay buhay. Ang pangangalaga rito ay pananagutan ng bawat isa. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran para sa isang mas luntiang bukas! 🌱

Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!






“LINASINIANS BARKADA tungo sa Bagong Pilipinas”TIGNAN| 🔰Ika-23 na BArangay KAlinisan DAy para sa taong 2026 ay ginanap n...
12/06/2026

“LINASINIANS BARKADA tungo sa Bagong Pilipinas”

TIGNAN| 🔰Ika-23 na BArangay KAlinisan DAy para sa taong 2026 ay ginanap noong ika-11 ng Hunyo, 2026.

♻️Nagkaisa at nagtulong-tulong ang ating mga ka- Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Isagani I. Pimentel at kaniyang mga Barangay Kagawad, katuwang ang ating mga Barangay tanods,Purok Leaders and Officers, BHWs, at ilang boluntaryo sa naganap na clean Up Drive sa mga kapurukan sa Barangay Linasin.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok . Nawa’y magtuloy-tuloy ang inyong pagtangkilik sa mga programa ng ating Lokal na Pamahaalan tungo sa mas malinis, mas maayos at mas magandang BARANGAY LINASIN❤️.

☀️Week23_BARKADA2026_BARANGAY LINASIN

KITAEN📸| Nakiisa ang mga Barangay Officials ng Linasin sa isinagawang Municipal Clean Up-Drive noong araw ng Huwebes, ik...
12/06/2026

KITAEN📸| Nakiisa ang mga Barangay Officials ng Linasin sa isinagawang Municipal Clean Up-Drive noong araw ng Huwebes, ika-11 ng Hunyo,2026.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa inisyatibo ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, bilang bahagi sa pagdiriwang ng Philippine Environmental Month.

Layunin ng aktibidad na ipalaganap ang kahalagahan ng pagpapanatiling ‘garbage free’ ang ating mga lansangan.

12/06/2026

🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin at parangalan ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno na nagbigay-daan sa pagkamit ng ating kasarinlan.

Nawa'y magsilbi itong paalala na patuloy nating pahalagahan ang ating kasarinlan sa pamamagitan ng pagkakaisa, responsableng paglilingkod, at aktibong pakikibahagi sa pag-unlad ng ating bansa.

Mabuhay ang Pilipinas!



12/06/2026
10/06/2026

WORLD DAY AGAINT CHILD LABOR 2026

Sa pagdiriwang ng World Day Against Child Labor ngayong Hunyo, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng bawat bata. Ipinapahayag natin ang ating matatag na paninindigan na walang puwang ang child labor sa ating komunidad at sa buong mundo.

Kaugnay nito, ating suportahan ang Kampanyang Red Card to Child Labor 2026 na may temang, "Ikaw, Ako, Tayo: Sama-samang Pagkilos para sa Batang Malaya.” Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maipagkakaloob natin sa bawat bata ang karapatang mag-aral, maging ligtas, at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Makiisa at itaas ang pulang kard laban sa child labor!

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

09/06/2026
06/06/2026

𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!

Walang bayad ang pagkuha ng Voter's Certification sa mga sumusunod na opisina:
📍 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 (𝗢𝗘𝗢) 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼
📍 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗙𝗶𝗹𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘁𝗿𝗮𝗺𝘂𝗿𝗼𝘀, 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮

𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗫𝗘𝗥!
❎ LABAG SA BATAS ang maningil ng “assistance fee.”
❎ LABAG SA BATAS ang mag-alok ng serbisyo bilang “fixer.”

Huwag magpapalinlang! Kung may nagtangkang maningil sa inyo para sa Voter's Certification, isumbong agad ito sa COMELEC.


Address

Brgy. Linasin San Marcelino, Zambales
San Marcelino

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU of Linasin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share