06/04/2024
April 5, 2024
Sangguniang Panlalawigan
Malugod ko pong ipinababatid sa ating mga kababayan na kasabay po ng aking kaarawan ay na aprubahan na ang ating inihaing ordinansa na may titulong:
"An Ordinance Providing Financial Assistance to Qualified Indigent Graduates in the Municipality of San Luis, Aurora During Their Review for Board/Bar Examination and Appropriating Necessary Funds Thereof.” Na kung saan makatatanggap ng tulong pinansyal ang ating mga kababayan na nag nanais mag Board/ Bar Exam na nagkakahalaga ng P10,000.
Author: Kon. Limuel Donato
Co-Authors:
Kon. Kiko Maliwanag
Kon. Iyin Macatiag
Ito po ay nag lalayong matulungan ang ating mga kababayan na maging propesyonal upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
Lubos po ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng tagumpay na ito, sa aking mga kasamahan sa sangguniang bayan, sa mga head of offices at sa ating sangguniang panlalawigan.