Araling Panlipunan Club - YHO SLNHS

Araling Panlipunan Club - YHO SLNHS The Official page of Araling Panlipunan Club of San Luis National High School

Pagbati G. Ron Liander Balmonte CarlosSa iyong pagtatapos!Ang dedikasyon, pagsisikap, at ang iyong determinasyon ay tuna...
31/03/2026

Pagbati G. Ron Liander Balmonte Carlos

Sa iyong pagtatapos!
Ang dedikasyon, pagsisikap, at ang iyong determinasyon ay tunay na nagbigay inspirasyon sa lahat. Nawa'y patuloy kang pagpalain at magtagumpay sa lahat ng iyong mga haharapin.

Sa Ebanghelyo ngayong Lunes Santo, ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng tunay at wagas na pagmamahal.Sa mundong madal...
29/03/2026

Sa Ebanghelyo ngayong Lunes Santo, ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng tunay at wagas na pagmamahal.

Sa mundong madalas inuuna ang praktikal at pansarili, hinahamon tayo na piliin ang pagmamahal kaysa sa pag-aalinlangan, at ang kabutihan kaysa sa pagkamakasarili. Ipinapaalala rin ni Hesus na may mga pagkakataon na ang pagmamahal ay hindi kailangang ipaliwanag—kundi ipakita.
Ngayong Semana Santa, nawa’y matutunan nating magmahal nang higit, magbigay nang buong puso, at ilaan ang ating sarili sa Diyos.

Ngayon, Tayo’y mag nilay sa Salitang ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan 12, 1-11

Anim na araw bago mag-Paskuwa, si Hesus ay dumating sa Betania, sa bayan ni Lazaro na kanyang muling binuhay. Ipinaghanda siya roon ng hapunan; naglingkod si Marta, at si Lazaro’y isa sa mga kasalo ni Hesus. Kumuha si Maria ng mamahaling pabango, isang libra ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Hesus. Pagkatapos, pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak sa buong bahay ang pabango. Si Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo kay Hesus, ay nagsabi, “Bakit hindi ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang denaryo ang halaga niyan.” Hindi dahil sa siya’y may malasakit sa mga dukha kaya niya sinabi iyon, kundi dahil sa siya’y magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng kanilang salapi at kinukupit niya ito. Sumagot si Hesus, “Ano’t siya’y ginugulo ninyo? Pabayaan ninyong ilaan niya ito para sa paglilibing sa akin. Habang panaho’y kasama ninyo ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo kasama sa habang panahon.”

Nabalitaan ng maraming Judio na si Hesus ay nasa Betania kaya’t pumaroon sila, hindi lamang dahil sa kanya, kundi para makita si Lazaro na kanyang muling binuhay. Kaya’t binalak ng mga punong saserdote na ipapatay rin si Lazaro, sapagkat dahil sa kanya’y maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at nananalig kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, at nananatili ang apoy ng tapang at pagkakaisa ng sambayanang Pilipi...
24/02/2026

Ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, at nananatili ang apoy ng tapang at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Ang alaala ng mga taong tumindig noon ay paalala sa atin na ang kapangyarihan ay mula sa mamamayan, hindi sa iilan.

Ngayon, sa gitna ng patuloy na korupsiyon at pang-aabuso, malinaw ang aral: hindi tayo magpapasakop sa mga naghaharing pamilyang umaabuso sa tiwala ng bayan, hindi tayo magbibigay ng kapangyarihan sa pamumunong puno ng takot, dahas, at panunupil. Hindi na muli sa mga Marcos at sa kanilang uri ng pamumuno. Hindi na muli sa Duterte-style na pamahalaan. Hindi na muli sa Extra-Judicial Killings at karahasang nagpapatahimik sa mamamayan.

Ang diwa ng EDSA ay paalala na ang bawat tinig, bawat kilos, bawat hakbang ng mamamayan ay mahalaga. Ang demokrasya ay hindi simpleng karapatan—ito ay tungkulin. Tungkol ito sa pananagutan, sa pagpapaalala sa sarili at sa iba, na ang bayan ay higit sa sarili at higit sa iisang pamilya o lider.

Tumindig. Makialam. Ipaglaban ang tama.
Panindigan ang katotohanan. Ipakita ang tapang. Pagyamanin ang pagkakaisa.
Hinding-hindi na muli sa pang-aabuso.
Hinding-hindi na muli sa kasinungalingan.
Hinding-hindi na muli sa pamumunong nagpapabaya sa bayan.

Ang kapangyarihan ay sa nagkakaisang Pilipino.
Ang boses ng mamamayan ay hindi dapat patahimikin.
Ang hinaharap ay para sa lahat—hindi para sa iilan.



As you step into the CSSPC, carry with you not just your pen and notebook, but also your passion, courage, and dedicatio...
26/01/2026

As you step into the CSSPC, carry with you not just your pen and notebook, but also your passion, courage, and dedication to telling stories that truly matter. Journalism is more than writing—it’s about giving voice to the unheard, sharing truth with integrity, and inspiring others through words.

May your ideas flow freely, your confidence stay strong, and your hard work shine in every piece you create. Remember all the late nights, revisions, and practice—this is your moment to show how far you’ve come. Win or learn, you already make us proud by bravely representing your school and community.

Trust the process, believe in yourself, and remember—the stars will align! ✨🌟
Go chase headlines, capture moments, and write your own success story. We’re all cheering for you—give it your best. You’ve got this! 💪📰✨



Releasing a special track for our President’s birthday! 🎧​Happy Birthday, Pres! We all see the effort and the long hours...
23/01/2026

Releasing a special track for our President’s birthday! 🎧

​Happy Birthday, Pres! We all see the effort and the long hours you put into this club. Your hard work is what keeps everything moving forward, and it truly shows in the way you lead. You are honestly the best President, and we’re lucky to have your dedication guiding us. ​May this day be a remarkable one, filled with joy and celebration as you open this incredible new chapter. We hope you continue to inspire everyone around you and enjoy every moment of your special day. May the future ahead be as bright as you are, and let’s make this next "track" of your life the best one yet! 🎂🥂

Kumusta ang Pasko at New year, Luisians? Mag plantsa na at gawin ang mga assignments, gaya ng sabi ni Napoleon: “Wala na...
04/01/2026

Kumusta ang Pasko at New year, Luisians? Mag plantsa na at gawin ang mga assignments, gaya ng sabi ni Napoleon: “Wala na tayong magagawa”🤣🤣

Kay bilis ng panahon at makakasalubong na ulit natin si… TREASURER na maniningil ng funds!🤣 Kala mo si crush no? HAHAHAHA!

SEE YOU ALL TOMORROW, LUISIANS!❤️



𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐍𝐞𝐰 𝐘𝐞𝐚𝐫, 𝐋𝐮𝐢𝐬𝐢𝐚𝐧𝐬!As the new year begins, we take a moment to look back with gratitude and move fo...
31/12/2025

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞𝐫𝐨𝐮𝐬 𝐍𝐞𝐰 𝐘𝐞𝐚𝐫, 𝐋𝐮𝐢𝐬𝐢𝐚𝐧𝐬!

As the new year begins, we take a moment to look back with gratitude and move forward with hope. “For auld lang syne, my dear,” we hold close the memories, friendships, and moments that made the past year meaningful. May 2026 bring fresh beginnings, warm laughter, good health, and countless reasons to smile. Here’s to new chances, shared dreams, and making more memories worth remembering together. Cheers to a joyful and bright year ahead! 🥂

𝑵𝑮𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝒀𝑺𝑨𝒀𝑨𝑵 | Ang kamatayan ni G*t. Jose Rizal.Ngayon, ating ginugunita ang ika-129 taong anibersaryo n...
30/12/2025

𝑵𝑮𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝒀𝑺𝑨𝒀𝑨𝑵 | Ang kamatayan ni G*t. Jose Rizal.

Ngayon, ating ginugunita ang ika-129 taong anibersaryo ng pagkamartir ni G*t. Jose Rizal. 129 taon na mula nang ialay ang kanyang buhay para sa bayan, ngunit nananatiling buhay ang kanyang mga aral sa kasalukuyan. Sa panahong laganap pa rin ang katiwalian, maling impormasyon, at pananahimik sa harap ng pang-aabuso, patuloy tayong hinahamon ni Rizal na mag-isip nang kritikal, magsalita nang may tapang, at kumilos para sa kabutihang panlahat.

Ang kanyang panulat noon ay laban sa pang-aapi; ang ating tinig at pagkilos ngayon ang dapat maging tugon. Sa paggunita sa kanyang pagkamartir, nawa’y piliin nating ipagpatuloy ang kanyang ipinaglaban—isang bansang may malasakit, katotohanan, at tunay na pagmamahal sa kapwa at sa bayan.



Happy Birthday sa aming masipag at dependable PIO, Errol Maliwat! 🎉Thank you for always doing your role with consistency...
28/12/2025

Happy Birthday sa aming masipag at dependable PIO, Errol Maliwat! 🎉

Thank you for always doing your role with consistency and commitment. Your efforts in keeping our club informed and connected really matter, and we appreciate the time and energy you give, kahit behind the scenes. On your special day, we wish you steady growth, good health, and more opportunities to learn and improve—both in and out of the organization. Enjoy your day and here’s to another year of doing what you do best. 🎂✨

Enjoy your day, Errol!🥂



𝑵𝑮𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝒀𝑺𝑨𝒀𝑨𝑵 | Ang pagbagsak ng Uniyong Subyetiko o ang Soviet Union.Mula sa pagiging isang makapangyari...
26/12/2025

𝑵𝑮𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑺𝑨 𝑨𝑹𝑨𝑾 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑨𝒀𝑺𝑨𝒀𝑨𝑵 | Ang pagbagsak ng Uniyong Subyetiko o ang Soviet Union.

Mula sa pagiging isang makapangyarihang bansa, bumagsak ang Unyong Sobyetiko dahil sa matinding suliranin sa ekonomiya, kakulangan ng suplay, at pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Sa kabila ng mga pagbabagong ipinatupad upang ayusin ang sistema, lalo lamang nabunyag ang mga kahinaan ng estado. Isa-isang humiwalay ang mga republika hanggang sa tuluyang mabuwag ang Unyong Sobyetiko noong Disyembre 26, 1991—hudyat ng pagtatapos ng isang makapangyarihang imperyo at isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng daigdig.



MALIGAYANG PASKO PO SA ATING LAHAT!Ang kapanganakan ni Hesukristo ay paalala ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa san...
24/12/2025

MALIGAYANG PASKO PO SA ATING LAHAT!

Ang kapanganakan ni Hesukristo ay paalala ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Sa Kanyang pagdating, isinilang ang pag-asa, kapayapaan, at liwanag na gumagabay sa atin araw-araw. Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lamang sa kasiyahan, kundi sa taos-pusong pagbibigayan, pagmamahal sa kapwa, at paglilingkod nang may kababaang-loob.

Nawa’y buksan natin ang ating mga puso upang isabuhay ang aral ni Hesus—ang magmahal nang walang kapalit, magpatawad, at magbahagi ng biyaya lalo na sa mga nangangailangan. Mula sa aming club, nawa’y maging puno ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ang inyong Pasko. Isang mapagpalang Pasko at masaganang bagong paglalakbay kasama si Kristo sa sentro ng ating mga buhay. 🎄🙏✨



Address

Sto. Tomas
San Luis
2014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Araling Panlipunan Club - YHO SLNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share