05/10/2026
๐ HAPPY TEACHERSโ DAY! ๐๐
Today, we celebrate the incredible teachers who continue to inspire, guide, and support us in achieving our dreams. Sa bawat aral na aming natututunan, sa bawat pagsubok na aming nalalampasan, at sa bawat pangarap na aming binubuo, naroon kayo upang magbigay ng gabay, pag-unawa, at inspirasyon. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ay tunay na kahanga-hanga.
Hindi sapat ang simpleng pasasalamat upang masuklian ang lahat ng inyong sakripisyo, tiyaga, at pagsisikap para sa aming kinabukasan. Kayo ay hindi lamang aming mga g**o, kundi mga pangalawang magulang na handang umunawa, gumabay, at magbigay ng mahahalagang aral sa buhay. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagtuturo at sa paniniwalang kaya naming maabot ang aming mga pangarap.
Sa espesyal na araw na ito, nawaโy maramdaman ninyo kung gaano kayo kahalaga at kung gaano kalaki ang inyong impluwensiya sa aming buhay. Patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat mag-aaral na inyong hinuhubog at ginagabayan.
Happy Teachersโ Day to all our beloved teachers! Your hard work, kindness, and dedication will always be remembered and appreciated. โค๏ธ๐ทโจ
โ๏ธ: ANN PRINCESS R. CANTOS | SSLG SECRETARY โจ
๐ผ: KRISFORD A. CAGUETE | SSLG AUDITOR โจ
ใ