30/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ง๐๐ง ๐๐จ๐ฌ
Noong Mayo 30, 2026, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palahanan Dos ang magkakasabay na programang nakatuon sa edukasyon at pagpapaigting ng partisipasyon ng kabataan sa pamamagitan ng
๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ข๐๐๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ข๐๐ฅ๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง (๐๐) ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ.
Sa ilalim ng programang ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐บ๐ฒ๐๐๐๐,umabot sa 100 kolehiyong estudyante mula sa Barangay Palahanan Dos ang tumanggap ng tig-โฑ1,000 na financial assistance bilang tulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral, kabilang ang pambaon at pagbili ng mga kagamitang pampaaralan.
Kasabay nito, 270 mag-aaral mula sa antas ng Junior High School, Senior High School, at Kolehiyo ang nabigyan ng learning materials bilang bahagi ng paghahanda sa panibagong taon ng pag-aaral sa ilalim ng ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐.Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga magulang at matiyak na may sapat na kagamitang pampaaralan ang mga kabataang Palahananin.
Isinagawa rin sa parehong araw ang ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ (๐ฒ๐ฒ) ๐จ๐๐๐๐๐๐๐, kung saan tinalakay ang mga programa, proyekto, at mga inisyatiba ng Sangguniang Kabataan para sa kapakanan ng kabataan. Naging daan din ang pagpupulong upang higit na mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawaing pangkomunidad at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang mga mungkahi at pananaw para sa patuloy na pag-unlad ng barangay.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, muling pinatunayan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palahanan Dos ang kanilang matibay na paninindigan na ang edukasyon, aktibong pakikilahok, at pagkakaisa ng kabataan ay mahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang mas maunlad at mas matatag na pamayanan.