28/08/2026
MALIGAYANG KAARAWAN, HON. DAVE ABANILLA! ππ
Nawaβy patuloy kang pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, masaganang biyaya, kaligayahan, at tagumpay sa bawat hakbang ng iyong buhay. Nawaβy manatili ang iyong malasakit, sipag, at dedikasyon sa paglilingkod at pagtulong sa ating komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng tulong, suporta, at tiwala na iyong ibinibigay sa High Nation Youth. Hindi namin nakakalimutan ang bawat pagkakataong nandiyan ka upang umalalay, makiisa, at suportahan ang mga programa at gawain ng ating samahan. Malaking bagay sa amin ang iyong presensya at suporta. π
At tandaan mo, lagi ring nakaalalay at naka-suporta sa iyo ang High Nation Youth, Hon. Dave! π€π Anuman ang iyong mga hangarin at mga landas na tatahakin, makakaasa kang nandito kami upang suportahan ka at ipagpatuloy ang magandang samahan na nabuo natin.
Muli, Maligayang Kaarawan, Hon. Dave! ππ
Nawaβy maging makabuluhan, masaya, at puno ng biyaya ang panibagong taon ng iyong buhay. Patuloy kang maging inspirasyon at mabuting halimbawa sa ating kabataan.
Mabuhay ka, Hon. Dave! π
β Mula sa iyong High Nation Youth Family