CMPI CMPI is not a governing body or denomination but a service organization serving autonomous churches I. (Mat. 5:48; Jn. 18; Gal. 4:4-7; 1 Cor. 1:3)

IV.

Ang mga SINASAMPALATAYANAN


Ang Christian Missions in the Philippines (CMPI) ay hindi isang secta o denominasyon, kundi ito’y isang samahan ng mga iglesiang lokal upang makamtan ang kinakailangang pagkakilala ng gobyerno bilang non-profit incorporation. Ang CMPI ay hindi isang autoridad na sentral na nakikialam sa mga bagay ng mga iglesiang pampurok. Naniniwala tayo sa pansarili at malayang pamam

ahala ng bawat iglesiang pampurok. Naniniwala tayo na ang Salita ng Dios ay ang basihan para sa ating mga paniniwala, mga doctrina, at mga pagsasagawa. Kusang-loob ang pagsasama ng mga iglesiang pampurok sa CMPI; kinikilala nila ang ating makakaparehong pananampalataya sa Panginoon Jesu-Cristo at sa Kanyang Salita. Ibinabahagi po namin ang mga sinasampalatayanang ito sa ikaliliwanag at sa ikakatibay ng mga iglesiang pampurok na nagnanais na sumama sa CMPI. ANG BIBLIA
Naniniwala tayo na ang bawat salita ng Dios sa original na kasulatan sa Lumang Tipan at Bagong Tipan ay kinasihan ng Dios na walang pagkakamali, ni walang pagbabago, at ito ang pinakasakdal, pinakamataas, at pang-huling autoridad sa lahat ng mga bagay sa pananampalataya at pagsasagawa ng mga ito. (Awit 12:6, 19:7-11; 2 Tim. 3:16-17; 2 Ped. 1:20-21; Apoc. 22:18-19)

II. ANG DIOS
Naniniwala tayo na may iisang Dios na nagpahayag sa tatlong persona: Ang Dios na Ama, Ang Dios na Anak, at Ang Dios na Espiritu, at ito’y namamalagi magpakailanman. (Gen. 1:26; Deut. 6:4; Mt. 28:19; Jn. 4:24; 10:30; Gawa 5:3-4; 2 Cor. 13:14)

III. ANG DIOS NA AMA
Naniniwala tayo na ang Ama ay tunay na Dios na ang Kanyang pagka-ama ay sakdal at magpakailanman at Siya ang Ama ng Panginoon Jesu-Cristo at ng sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo. ANG DIOS NA ANAK NA SI JESU-CRISTO
Naniniwala tayo na si Jesu-Cristo ay tunay na Dios at tunay na tao na ipinanganak ng isang birhen. Si Jesu-Cristo ay walang kasalanan at hindi nagkasala. Siya’y namatay bilang halili at sakdal na kabayaran para sa mga makasalanan. Siya’y nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan at umakyat sa langit na taglay ang maluwalhating katawan na lumuklok sa kanan ng Dios Ama. Ang Panginoon Jesu-Cristo lamang ang Tagapagligtas, at Tagapa-magitan sa Dios at sa mga tao. (Mat. 1:21-23; Jn. 1:1,14; Gawa 4:10-12; 1 Tim. 2:5; Tito 2:13; Heb. 1:8; 1 Ped. 3:18)

V. ANG DIOS NA ESPIRITU SANTO
Naniniwala tayo na ang Espiritu Santo ay tunay na Dios, na lumuluwalhati kay Jesus, at hindi Siya kumikilos na nakasalungat sa Salita ng Dios. Siyang nagbabago sa buhay ng tao, bumabautismo at nananahan sa mga tunay na mananampalataya na Kanyang tinatakan mula nang tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. Dapat ang bawat Cristiano ay mangapuspos ng Espiritu Santo. Siya rin ang nagbibigay ng mga espiritual na kaloob upang magamit ang bawat mananampalataya sa paglilingkod sa ikalalago ng iglesia, ayon sa Banal na Kasulatan. Naniniwala rin tayo na may mga kaloob na katulad ng pagiging apostol, panghuhula, pagsasalita ng ibang wika, at pagpapagaling na ginamit ng Dios noon sa pagsisimula ng iglesia na hindi napapanahon sa ngayon.. (Jn. 16:13-15; Gawa 5:3-4; 1 Cor. 12-14; 2 Cor. 12:12; Ef. 1:13, 2:20, 4:11-12, 5:18; Tito 3:5; Heb. 2:3-4)

VI. ANG TAO
Naniniwala tayo na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Dios. Ang tao ay binubuo ng katawan, kaluluwa at espiritu. Si Adan na unang taong nilikha ay nagkasala, at namana natin ang kanyang makasalanang likas. Lahat ng tao ay makasalanan dahil sa likas at gawa. Kung walang kaligtasan na mula sa Dios ang tao ay naligaw at makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. (Gen. 1:26-27; Mt. 13:42, 25:46; Mk. 9:43-48; Lk. 16:19-26; Rom. 5:12; Ef. 2:1-3; 1 Thes. 5:23; Apoc. 20:11-15)

VII. ANG KALIGTASAN
Naniniwala tayo na ang kaligtasan ng biyayang natamo mula sa Dios ay binayaran sa pamamagitan ng dugo ni Cristo na namatay bilang pangpalubag-loob sa mga kasalanan ng buong sanglibutan. Ang kaligtasan ay inaalok sa lahat ng tao, at makakamtan sa pamamagitan ng pananampalataya, na hiwalay sa ating mga mabuting gawa. Sabay-sabay sa kapangyarihan ng Dios at sa pagtugon ng tao ay makakamtan ang kaligtasan. Sa lahat na nagsisi ng kasalanan at nagtiwala kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay ipinanganak na muli at makakamit ang katiyakan ng kaligtasan. (Lk. 5:32; Jn. 3:16, 5:24, 10:28-30; Gawa 20:21; Rom. 10:9-10; Gal. 2:16; Ef. 1:13, 2:8-10; Tito 2:11; 1 Jn. 2:2, 5:11-13)

VIII. ANG IGLESIA
Naniniwala tayo na ang pangkalahatang iglesia ay binubuo ng mga mananampalataya kay Jesu-Cristo magmula sa Pentecostes hanggang sa pag-agaw ng iglesia. Ang bawat iglesiang pampurok ay isang maliit na larawan ng tinatawag na pangkalahatang iglesia. Naniniwala tayo na ang iglesiang lokal ay sentral sa plano ng Dios sa pagbabahagi ng ebanghelyo, sa paggawa ng mga alagad, sa pagsamba at sa pakikisama. Mananagot ang bawat iglesiang lokal kay Cristo lamang bilang pangulo ng bawat iglesiang lokal. Mayroon mga makadios na lalaki sa bawat iglesia na kinikilala bilang mga matanda ng iglesia na silang namumuno at nag-aalaga sa espiritual na kalusugan ng kapulungan. (Mat. 16:18; Gawa 2:42-47, 20:28; 1 Cor. 12:12,13, 27; Ef. 1:22-23, 5:24,25,30; Fil. 1:1; Col. 1:18; 1 Tim. 1:1-13; 1 Ped. 5:1-5)

IX. ANG PAGLILINGKOD NG MGA BABAE
Naniniwala tayo na ang ating mga kapatid na babae ay kapantay sa mga lalake bilang kasamang tagapag-mana ng biyaya ng kabuhayan. Dahil dito pinalalakas natin ang loob nila upang maglingkod sa Panginoon sa: personal na pagbabahagi ng ebanghelyo, pagtuturo sa mga ibang babae at sa mga bata, panalangin, pamimigay, hospitality, practical na paglilingkod, pagbabahagi ng literatura, musika, pag-aalaga ng mga mahihirap, at pagtatayo ng sambahayang Cristiano. Kinikilala rin natin ang kaibahan ng mga tungkulin ng mga babae at lalake. Maliwanag ang pagtuturo ng Bagong Tipan na hindi puedeng magturo, ni magkaroon ng pamumuno ang babae sa lalake at sa iglesia, kundi mag-aral na tumahimik na may buong pagpapasakop na may malaking halaga sa paningin ng Dios. ( Gal. 3:28; Rom. 16: 1,2; 1 Cor. 11:1-16; 14:34-37; 1 Tim. 2:9-15; Tito 2:1-5; 1 Ped. 3:1-7)

X. ANG MGA ORDINANSA NG IGLESIA
Naniniwala tayo na may dalawa lamang nakatala sa Banal na Kasulatan kung pag-uusapan ang ordinansa: 1) Ang tinatawag na bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig na nagsisimbolo na ang mananampalataya ay namatay na kalakip ni Cristo Jesus, na nalibing na kasama Niya at muling nabuhay para lumakad sa bagong paraan ng pamumuhay. 2) Ang tinatawag na banal na hapunan, na inaalaala natin ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli; sa pamamagitan ng tinapay at pag-inom sa saro na nagsisimbolo ng Kanyang katawan at dugo na ipinahahayag natin palagi hanggang sa Kaniyang muling pagbabalik. (Mat. 28:19-20; Lk. 22:19-20; Gawa 8:36-39, 20:7; Rom. 6:1-4; 1 Cor. 11:23-32)

XI. ANG MGA BAGAY NA HINAHARAP
Naniniwala tayo na ang Panginoong Jesu-Cristo ay muling babalik upang agawin ang iglesia at ito’y malapit na, sa isang araw at oras na ‘di nalalaman ng sinoman, bago sa Dakilang Kapighatian. Pagkatapos ng Dakilang Kapighatian ay ang isang libong taong paghahari ng Panginoong Jesus dito sa lupa. Ito’y susundan ng huling pagkabuhay na maguli at paghuhukom ng mga naligaw na makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. Ang mga mananampalataya kay Cristo ay makakaranas ng walang hanggang pagpapala. (Mat.24: 3-44; Lk. 16: 19-26; Jn. 14: 1-3; 1 Thes. 4: 13-5:11; 2 Thes. 1:8-9; Apoc. 14: 9-11, 20:1-21:8)

XII. ANG PANANALAPI
Naniniwala tayo na hindi kukulangin ang gawain ng Panginoon, na ginagawa sa pamamaraan ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pananampalataya inaasahan lamang natin si Cristo nagbibigay ng sapat, sa pamamagitan ng Kanyang mga tao. Sa pag-ibig nagkakaloob tayo, ayon sa ating iginiginhawa, bilang palagiang bahagi ng ating pagsamba. Hindi tayo naniniwala sa public na paghihingi o paglilimos, ni ang paghahanap ng kontribusyon sa labas ng iglesia. Bilang mga katiwala ng Dios nais natin hanapin muna ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran sa ating pagamit ng lahat ng Kanyang ipinagkatiwala sa atin. (Mat.6:33; 1 Cor. 4:1-2, 13:3, 16:1-4; 2 Cor.8-9, Gal. 6:6; Fil. 4:17-19; 1 Tim. 5:17-18; 3 Jn. 7)


Copyright © 2022 by C M P I . All Rights reserved! Any Content or Media on this Site is prohibited from any Use!

29/03/2026
EBI Graduation Photos 2026
25/03/2026

EBI Graduation Photos 2026

𝟒 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 & 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐧𝐚!𝙄𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙣...
17/03/2026

𝟒 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 & 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐧𝐚!

𝙄𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙣𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙙𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙘𝙝𝙪𝙧𝙘𝙝.

Kitakits mga kabataan!

Let Us Pray for Our Brethren in MindanaoOur hearts go out to our brethren and kababayans in Mindanao who have been affec...
10/10/2025

Let Us Pray for Our Brethren in Mindanao

Our hearts go out to our brethren and kababayans in Mindanao who have been affected by the recent magnitude 7.6 earthquake. We know that in times like this, fear and uncertainty can fill our hearts — but we also know that our God is our refuge and strength, ever-present in times of trouble.
“God is our refuge and strength, a very present help in trouble.” — Psalm 46:1

Let’s come together as one body in Christ — to lift up in prayer those who are affected, those who lost their homes, and those who are still waiting for help. Let’s also pray for the safety and strength of the responders and local churches reaching out to the community.

May we continue to show Christ’s love and compassion not only through our prayers, but also through any way we can extend help.

08/10/2025
08/10/2025

𝐁𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐦𝐦𝐚𝐮𝐬 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐭𝐞𝐚𝐦!

𝙎𝙞𝙜𝙣 𝙪𝙥 𝙣𝙤𝙬- https://forms.gle/cWkzEKnQVtgiptDbA

𝐖𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐩𝐫𝐚𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐯𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫𝐬
Prayer Partner
Content Writer
Graphic Designer
Web Designer
Translator
Promoter
Social Media
Encoder
Sponsor Partner
Other:

Address

322 P. Guevarra Avenue San Juan, Metro Manila
San Juan
1500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CMPI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CMPI:

Share