14/03/2026
Bilang pagdiriwang ng World Social Work Day at Social Work Month sa bansa ngayong taon, kasabay ng National Womenโs Month at Girl-Child Week, ang Philippine Association of Social Workers, Inc. (PASWI) โ San Juan City Chapter ay matagumpay na nagsagawa ng isang Outreach Activity sa Sitio Peterson, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal. Dinaluhan ito ng 20 na bata kasama ang 20 na magulang o guardian, na aktibong nakilahok sa ibaโt ibang bahagi ng programa.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagkaroon ng Orientation on Women Protection sa pamamagitan ni Bb. Idah Lorraine M. Pereyra, Social Worker ng San Juan City Social Welfare and Development Department (SJCSWDD). Tinalakay dito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa karapatan ng mga kababaihan, at mga mekanismong nagbibigay proteksiyon sa babae mula sa iba't ibang uri ng pang-aabuso at eksploytasyon.
Sinundan ito ng Orientation on Child Protection na sa pamamagitan ni Bb. Fannie D. Herrera, Social Worker mula sa SJCSWDD din, kung saan ibinahagi ang mahahalagang kaalaman ukol sa mga karapatan, pangangalaga at pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata.
Nagbigay rin ng orientation tungkol sa propesyon ng Manggagawang Panlipunan o Social Work si Bb. Arby Arnecilla, social worker muka sa San Juan Medical Center, kung saan ipinaliwanag ang mahalagang papel ng mga social worker sa pagtulong at pagseserbisyo sa komunidad.
Naging mas masaya at makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng mga palaro at pamamahagi ng munting regalopara sa mga kabataan at kababaihang dumalo sa nasabing aktibidad.
Lubos na nagpapasalamat ang PASWI โ San Juan City Chapter sa mga miyembro mula sa mga sumusunod na tanggapan na personal na nakiisa sa pagsasagawa ng aktibidad:
* San Juan City Social Welfare and Development Department
* San Juan Medical Center
* Cardinal Santos Medical Center
* La Consolacion Convent
* Shining Light Foundation, Inc.
Taos-puso ring nagpapasalamat ang Chapter sa mga sumusunod na tanggapan at indibidwal na nagbigay ng kanilang donasyon at suporta upang maging matagumpay ang nasabing gawain:
1. Shining LightFoundation, Inc.
2. White Cross, Inc.
3. Little Sisters of the Abandoned Elderly
4. La Consolacion Convent
5. San Juan City Social Welfare and Development Department
6. San Juan Medical Center
7. Cardinal Santos Medical Center
8. Ms. Teresita Valentino
9. Ms. Iris Capitulo
10. Ms. Fannie Herrera and Family
11. Ms. Portia Gomez
12. Ms. Regen Bangcaya
13. Ms. Leilani Far and Sir Jess Far
14. Ms. Krishna Mei Salazar
15. Mr. Ace Alvarado
Espesyal na pasasalamat din ang aming ipinaparating sa San Juan City Urban Poor Affairs Office (UPAO) para sa suporta, gabay at alalay para matagumpay na maisagawa ang aktibidad na ito.
Muli, mula sa PASWI- San Juan City Chapter, Happy World Social Work Day at Happy National Womenโs Month!