02/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐ณ๏ธโ๐ โ
Dahil sa una pa lang, ikaw ay mahalagang bahagi na ng lipunan. Ang Pride ay hindi lamang isang pagdiriwangโito ay isang protesta. Ito ay isang patuloy na panawagan para sa pagkilala, dignidad, at mga karapatang matagal nang isinantabi, diniskrimina, at pinatahimik.
Ngayong Pride Month, ang PUPSJ Student Council ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang at pakikibaka ng LGBTQIA+ community. Kaisa kami sa pagsusulong ng isang pamantasang ligtas, inklusibo, at may paggalang sa dignidad ng bawat isaโanuman ang kanilang seksuwal na oryentasyon, identidad, at ekspresyon ng kasarian (SOGIE).๐
Hindi lamang ito buwan ng makukulay na parada, kundi ng pagkilala sa kasaysayan ng paglaban at patuloy na paninindigan para sa tunay na pagkakapantay-pantay, representasyon, at hustisyang panlipunan.
Sama-sama nating ipaglaban ang isang bukas na may pagmamahal at paggalang para sa lahat! ๐จ๐งก