30/08/2026
Matthew 16: 21–27
By Bro. John Allen Sopranes
REFLECTION
Ipinapaalala sa akin ng Ebanghelyong ito na ang pagsunod kay Hesus ay hindi laging madali. Bilang isang estudyante at nagsisilbi sa altar, may mga pagkakataon na kailangan nating magsakripisyo, harapin ang mga hamon sa buhay, pati na rin ang paghihirap, at gumawa ng mga desisyong tama kahit na ito ay mahirap o kaya ay hindi ko naman gusto. Minsan, iniisip ko na mas maganda ang daan na ako ang gagawa, tulad na lamang ng ginawa ni Peter, pero kailangan nating magtiwala sa desisyon, plano, at daan ng Diyos kahit hindi man natin ito maintindihan.
Napagtanto ko rin na kahit na matagumpay ka nang tao, hindi nito magiging katumbas kung paano ka makisama sa mga tao, maging matapat at maayos, at magkaroon ng magandang relasyon sa Panginoon.