10/08/2026
𝐌𝐚𝐦𝐮𝐧𝐨. 𝐌𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭. 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧.
Kapag ang kabataan ang kumilos, ang lipunan ay nagbabago.
Kasama ang ilang miyembro ng 𝐒𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐌𝐨𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 at mga kabataan mula sa San Jose City, Nueva Ecija, nakilahok tayo sa 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐎𝐧𝐞𝐬 𝐌𝐨𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐋𝐚𝐮𝐧𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 sa San Fernando, Pampanga—isang pagkakataong makiisa, matuto, at higit na mamulat sa mahalagang papel ng kabataan sa lipunan.
Walang nagbabago sa pananahimik at pag-iwas sa mga nangyayari sa paligid. Bawat lider, lider-estudyante, at kabataan ay tinatawag upang maging bahagi ng pagbabago.
𝐌𝐚𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧.
Sa likod ng bawat palakpak ay isang pagkakataong maglingkod. Ang posisyon ay hindi para abusuhin, kundi gamitin sa nararapat. Ang pamumuno ay hindi tungkol sa kapangyarihan, kundi sa responsibilidad.
𝐌𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐦𝐚, 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐫.
Hindi ka maliit. Bawat boses, ideya, at saloobin ng isang kabataan ay mahalaga.
Leadership begins when we choose not only to serve, but also to listen.
Our generation must refuse to accept corruption as normal. We must demand 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲, 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐢𝐭𝐲, 𝐚𝐧𝐝 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞.
Tayo ang henerasyong tatayo, kikilos, at magbabago ng sistema.
Piliing makialam sa ating kapaligiran at lipunan. Huwag nating ipasa sa susunod na henerasyon ang gulong ating nadatnan. Huwag tayong maging manhid sa pinagdadaanan ng iba.
Ang 𝐘𝐨𝐮𝐧𝐠 𝐎𝐧𝐞𝐬 ay hindi lamang organisasyon, kundi paalala ng pagkakaisa, pagbabago, at pamumuno. Hindi kailangan ng mataas na posisyon para makapaglingkod—𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬.
Makialam sa mga isyung nakaaapekto sa atin. Maging mapanuri. Maging responsable. Maging bahagi ng solusyon.
Dahil ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa malaking organisasyon. Nagsisimula ito sa maliit na grupo, sa isang komunidad, at sa isang taong handang magsabi:
“𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐨 ’𝐭𝐨.”
𝐌𝐚𝐦𝐮𝐧𝐨. 𝐌𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭. 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧.