Bantay Oksi Association

Bantay Oksi Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bantay Oksi Association, Nonprofit Organization, Hobbit House, Doña Consuelo Subd. , Pag-asa, Occidental Mindoro, San Jose.

17/04/2026
26/03/2026

PAKINGGAN

Panayam at paglalahad ng suliranin ng mga Magsasaka sa lalawigan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng BANTAY OKSI ASSOCIATION President Gemma Mateo Tabian


25/03/2026
IMBITASYON SA BANTAY OKSI SA SENADOMuli na namang naimbitahan ang ating Bantay Oksi Association Chairman Mrs.Gemma Mateo...
25/03/2026

IMBITASYON SA BANTAY OKSI SA SENADO

Muli na namang naimbitahan ang ating Bantay Oksi Association Chairman Mrs.Gemma Mateo Tabian para sa isang talakayan tungkol sa ating mga suliranin lalo na sa ating mga magsasaka.

Tayo po ay tumutok at umantabay sa mga kaganapan na mangyayari bukas.

Mangyaring i-comment, ibahagi ang mga nais nating iparating at itanong sa senado sa pamamagitan ng ating Presidente.




20/03/2026
18/03/2026

📢 PANAWAGAN NG BANTAY OKSI ASSOCIATION

Sa kasalukuyang kalagayan ng aming mga sakahan, kami po ay humaharap sa matinding suliranin sa patubig. Dahil sa kakulangan ng maayos na suplay ng tubig mula sa NIA, napilitan ang aming mga magsasaka na gumamit ng electric motor upang maipagpatuloy lamang ang pagtatanim.

Sa gitna nito, patuloy namang tumataas ang presyo ng krudo at kuryente—isang mabigat na pasanin sa amin. Ang iba sa aming mga kasamahan ay napilitang magbenta ng kanilang mga alagang kalabaw, na pangunahing katuwang sa pagsasaka, upang matustusan lamang ang gastos sa patubig.

❗️ Kami po ay nananawagan:

👉 Agarag aksyon mula sa NIA upang maibalik ang maayos at tuloy-tuloy na patubig

👉 Tulong pinansyal o subsidy para sa gastos sa krudo at kuryente

👉 Pangmatagalang solusyon upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon

👉 Suporta mula sa lokal na pamahalaan para sa mga apektadong magsasaka

Hindi po biro ang sakripisyong ginagawa ng mga magsasaka para lamang makapagbigay ng pagkain sa ating hapag. Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, hindi lamang po kami ang maaapektuhan kundi ang buong komunidad.

🙏 Kami po ay humihingi ng agarang tulong at aksyon.

via | Karlo Magno Caracas
CARE FM Network




Address

Hobbit House, Doña Consuelo Subd. , Pag-asa, Occidental Mindoro
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bantay Oksi Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share