21/09/2025
Pera ng taong-bayan, buwis na pinaghirapan nilulustay sa ghost projects, flood control at overpriced cats eyes road reflectors!
Ghost projects? Puro papeles pero walang proyekto. Flood control? Ginawang negosyo, pondo kinurakot kaya kahit ambon lang, baha ang dinadanas ng mamamayang Pilipino!
Habang ang ordinaryong Pilipino nagtitipid ng bigas, kuryente at pamasahe, ang mga kurap at nepobabies ay nagpapakasasa sa milyon-milyon at bilyon-bilyon na ninakaw. Pinang-travel, pinang-luxury hotel, luxury bags, pinangsarap ng buhay, na pera na dapat para sa ospital, edukasyon, trabaho at ligtas na komunidad!
MULAT NA ANG MAMAMAYAN AT HINDI NA PIPIKIT!
Hindi kami bulag para hindi makita ang pandaraya ninyo.
Hindi kami p**i para hindi isigaw ang kasinungalingan ninyo.
Hindi kami duwag para manahimik habang ninanakawan ninyo kami!
Pera ng bayan, ibalik sa bayan!
Panagutin ang mga kurap!
Hindi kami titigil hangga’t may hustisya!