12/07/2026
Ang pagtulong ay hindi nasusukat sa laki ng naibibigay, kundi sa taos-pusong hangaring makatulong. Lalo na sa panahon ng pagsubok, ang ating pagkakaisa at malasakit ang tunay na nagbibigay ng pag-asa.
Mula sa Titan Vanguards Eagles Club, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pakikiramay at pagdamay sa aming mahal na Kuya Eagle Ceasar Andal at sa kanyang buong pamilya sa sinapit na pagkasunog ng kanyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Nawa'y magsilbi itong paalala na sa bawat pagsubok, laging may mga kapatid na handang umalalay at tumulong.
Mabuhay ang Agila!