08/08/2025
𝗧𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗨𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡
Hindi tama ang ginawa ng Senado. 👎
May karapatan tayo na malaman ang katotohanan at masiyasat ang mabibigat na paratang ng korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan. Tungkulin ng Senado, bilang isang Impeachment Court, na tiyaking uusad ang prosesong ito.
Pero sa halip na gampanan, pinili ng Senado na talikuran ang kanilang responsibilidad.
Sa kabila ng nakabinbing Motion for Reconsideration, agad nilang pinatay ang proseso ng impeachment sa pamamagitan ng pag-archive nito. Mas nararapat sanang hinintay muna ang pinal na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa konstitusyonalidad ng kaso.
Mariing kinukundena ng Kaya Natin! Youth ang desisyon ng Senado na talikuran ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝗼𝘁!