13/05/2025
MARAMING SALAMAT, SAN JOSENIOS!
Maraming salamat po sa napakainit na suporta at sa lahat ng mga solidong nagmamahal sa bayan ng San Jose. Higit sa sakit ng pagkabigo, pinapanday ng pagkatalo ang ating karakter upang balang araw, hindi man perpekto ay mas maging mainam akong lingkod bayan na itinalaga ng Diyos.
Panahon na upang isantabi ang pulitika at paghilumin ang mga sugat alang-alang sa tagumpay at pagkakaisa ng ating bayan. Patuloy na nananabik hanggang sa muli nating pagtatagpo.
-PAPAOKS