17/08/2026
Ang ating wika ay tinig ng bayan, yaman ng ating kasaysayan, at tulay para sa panibagong kinabukasan.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, sama-sama nating pahalagahan, gamitin, at ipagmalaki ang ating wikang Filipino. Ito ang wikang nag-uugnay sa bawat Pilipino, sumasalamin sa ating kultura, at nag-iingat sa mga kuwentong minana natin mula sa ating mga ninuno.
Sa bawat salitang binibigkas, naisusulat, at ibinabahagi, patuloy nating binubuhay ang ating pagkakakilanlan bilang isang bayan. Mahalin natin ang sariling wika at kulturang bahagi ng ating pagka-Pilipino.
Ipagmalaki ang sariling atin, sapagkat sa wikang ito nagsisimula ang pagkakaisa at pag-unlad ng isang tunay na PILIPINO!
βπ» Rhea Tumampil
π¨ Jaztyn Tomulac