Students' Rights and Welfare - Bulsu SC

Students' Rights and Welfare - Bulsu SC STUDENTS' RIGHTS AND WELFARE COMITTEE

Hindi naman maitatanggi na sa panahon ngayon ay online na nangyayari ang karamihan ng ating mga ginagawa. Pinadali nito ...
08/11/2021

Hindi naman maitatanggi na sa panahon ngayon ay online na nangyayari ang karamihan ng ating mga ginagawa. Pinadali nito ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao at ang pagpapakalat ng impormasyon. Ngunit, kaakibat ng kalawakan ng sakop nito ay ang panganib na dala ng mga nananamantala sa kakayahan ng internet. Talamak sa social media platforms ang mga Fake News na maaaring makaapekto sa ating kultura, paniniwala, at pagdedesisyon.

Kaya bilang kabataan, ating bitbitin ang responsibilidad na manguna sa matuwid at tamang paggamit ng impormasyon. Hindi dapat maging dahilan ang ating edad upang malimitahan ang kaya nating iambag sa ikauunlad ng ating bayan at ng ating mga kapwa. Tayo'y tinaguriang pag-asa ng bayan kaya ating isabuhay ito at ipamalas ang ating epekto sa lipunan.

Naguguluhan? Nag-aalinlangan? Nababahala na humakbang paharap upang simulang ilapag ang ambag? Huwag mag-alala dahil upang makatulong na mapanatag ang iyong loob at malinawan ang iyong isip sa mga kayang gawin ng mga tulad nating kabataan ay inihahandog ng Student Government, sa pangunguna ng Students' Rights and Welfare Committee, ang SRW Month 2021 na may temang "AMBAG: Boses ng Kabataan sa Lipunan."

Sa darating na ika-11 ng Nobyembre, 1:00 PM, ay halina at makiisa sa Opening Salvo ng SRW Month 2021 sa pamamagitan ng Facebook Live. Sumama sa pagsisimula ng ating pagtuklas at pag-aaral ano nga ba talaga ang ambag nating mga kabataan sa lipunang ating ginagalawan.

Makilahok, makisaya, at sumama sa pagtahak ng daan sa pakikialam at pangingialam sa mga isyung kinakaharap natin. Pangunahan natin ang paghakbang.



31/10/2021

Natanong o nagtanong ka na rin ba kung ❞𝑨𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒃𝒂𝒈 𝒎𝒐❓❞ sa ating bansa?
Ano nga ba ang sagot dito? Ating alamin sa darating na Students' Rights and Welfare Month ngayong Nobyembre.
𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡!

Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639268547949

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Students' Rights and Welfare - Bulsu SC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Students' Rights and Welfare - Bulsu SC:

Share