Federation of Sandigan ng Maralitang Pilipino HOAI

Federation of Sandigan ng Maralitang Pilipino HOAI Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Federation of Sandigan ng Maralitang Pilipino HOAI, Nonprofit Organization, SMP Residence Sitio Partida Brgy. Muzon East, San Jose del Monte.

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Kapitana Joy Celis  sa kanyang kabutihang-loob at patuloy na suporta sa aming komunid...
02/08/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Kapitana Joy Celis sa kanyang kabutihang-loob at patuloy na suporta sa aming komunidad. Maraming salamat po sa ipinagkaloob na grocery packs para sa mga miyembro ng SMPHOAI na Persons with Disabilities (PWD).

Ang inyong malasakit at pagtulong ay malaking biyaya at inspirasyon sa aming mga miyembro. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod sa mamamayan.

Ngayong araw ay sama-sama nating binigyang-pugay ang ating mga minamahal na senior citizens na miyembro ng SMPHOAI na na...
02/08/2026

Ngayong araw ay sama-sama nating binigyang-pugay ang ating mga minamahal na senior citizens na miyembro ng SMPHOAI na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo.

Taos-pusong pasasalamat kay Kapitana Joy Celis sa kanyang munting handog at regalo bilang pagpapakita ng pagmamahal, pagkilala, at pagpapahalaga sa ating mga nakatatanda. Ang simpleng pagdiriwang na ito ay nagbigay ng saya at ngiti sa ating mga senior citizens na bahagi ng komunidad ng SMPHOAI sa Barangay Muzon East.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at maraming biyaya. Maligayang kaarawan po sa lahat ng ating mga celebrants!

Federation of SMPHOAI   PresentsZUMBA SESSION Simulan ang araw nang may sigla, saya, at positibong enerhiya! Sama-sama t...
23/07/2026

Federation of SMPHOAI
Presents
ZUMBA SESSION

Simulan ang araw nang may sigla, saya, at positibong enerhiya! Sama-sama tayong gumalaw para sa mas malusog at mas masayang komunidad.
📅 July 25, 2026 (Saturday)
⏰ 6:00 AM
📍 SMP Hall
👕 Wear Black & White Shirt
🎉 Sponsored by Kagawad Aniway M. Eli
Move • Sweat • Smile • Repeat

19/07/2026
LPA Signing of Refusal MembersMatagumpay na isinagawa ang paglagda ng Loan and Purchase Agreement (LPA) ng 16 na Refusal...
06/07/2026

LPA Signing of Refusal Members

Matagumpay na isinagawa ang paglagda ng Loan and Purchase Agreement (LPA) ng 16 na Refusal Beneficiaries mula sa SMPHOAI Clusters A hanggang D, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng High Density Housing (HDH) Project ng Social Housing Finance Corporation, sa pakikipagtulungan ng SMPHOAI at SHFC.

Ang gawaing ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatuloy ng proseso ng programa sa pabahay at pagpapatibay ng mga kinakailangang dokumento ng mga benepisyaryo. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng SHFC, SMPHOAI Federation, mga opisyal ng mga cluster, at mga benepisyaryo, patuloy na isinusulong ang layunin na makapagbigay ng ligtas, maayos, at disenteng pabahay para sa bawat pamilyang kabilang sa programa.

Nawa'y ang matagumpay na LPA signing na ito ang magsilbing simula ng tuluy-tuloy na paglagda ng mga Substitute Members ng SMPHOAI Federation sa ilalim ng High Density Housing (HDH) Project. Dalangin namin na magpatuloy ang maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng lahat ng mga katuwang upang mapabilis ang bawat proseso at higit na mailapit ang mga benepisyaryo sa katuparan ng kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.

Ang bawat lagda ay hindi lamang pagtupad sa isang rekisito, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, matatag, at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang benepisyaryo.

Bilang suporta sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, ipinatawag ang mga kinatawan ng SMPHOA Clusters ...
06/07/2026

Bilang suporta sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, ipinatawag ang mga kinatawan ng SMPHOA Clusters A hanggang E para sa pormal na pamamahagi ng mga kagamitan para sa Peace and Order Committee (PAOC).

Kabilang sa mga ipinagkaloob na kagamitan ang tig-dalawang (2) radyo at isang (1) flashlight para sa bawat cluster upang makatulong sa mas epektibong komunikasyon, koordinasyon, at pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Arlene Aba-Bartolome Arciaga sa kanyang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa at adhikain ng SMPHOA para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.

PAGKAKAISA SA PAGKILOS, PAGKAKAISA SA LAYUNIN.Matagumpay na isinagawa ng SMPHOAI Federation ang General Assembly noong H...
06/07/2026

PAGKAKAISA SA PAGKILOS, PAGKAKAISA SA LAYUNIN.

Matagumpay na isinagawa ng SMPHOAI Federation ang General Assembly noong Hunyo 28, 2026 sa SMP Hall, na dinaluhan ng mga miyembro mula sa Clusters A hanggang E.

Naging mahalagang pagkakataon ang pagtitipong ito upang maibahagi ang mahahalagang ulat, programa, at mga susunod na hakbang ng Federation, habang higit pang pinatatatag ang pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat kasaping samahan.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng isang maayos, organisado, at mas matatag na komunidad.



Nakilahok ang SMPHOAI Federation sa 1-Day Capacity Building Program na may temang “7 Pillars, 1 Strong Community” na isi...
17/06/2026

Nakilahok ang SMPHOAI Federation sa 1-Day Capacity Building Program na may temang “7 Pillars, 1 Strong Community” na isinagawa ng Community Affairs Office ng Lungsod ng San Jose del Monte.

Tinalakay sa programa ang pitong mahalagang haligi ng kaunlaran ng lungsod: Makataong Pamamahala, Kalusugan at Kalidad na Edukasyon, Kabuhayan at Trabaho, Imprastraktura at Maayos na Pagpaplano ng Lungsod, Kapayapaan at Kaayusan, Digital na Pagbabago at Matalinong Pamamahala, at Pangangalaga sa Kalikasan at Kahandaan sa Sakuna.

Patuloy na nakikiisa ang SMPHOAI Federation sa mga programang nagpapalakas ng pamumuno, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng mamamayan tungo sa isang mas maunlad, ligtas, at matatag na komunidad.

Bilang suporta sa Partida Elementary School, nagkaloob ang mga opisyal ng SMPHOAI ng mga cleaning materials upang makatu...
03/06/2026

Bilang suporta sa Partida Elementary School, nagkaloob ang mga opisyal ng SMPHOAI ng mga cleaning materials upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa bawat silid-aralan.

Nawa'y maging malaking tulong ito sa paglikha ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral at g**o.

Address

SMP Residence Sitio Partida Brgy. Muzon East
San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Federation of Sandigan ng Maralitang Pilipino HOAI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share