Directions

AGOS AGOS: Daloy ng Progresibong Paggogobyerno is a governance platform driven to creating a ripple of change in our sea of politics. by .csjdm

HANDAAN TAYO RIGHT NEOW??? 🥊🎂Oh simon, batiin naman natin ng isang maligayang kaarawan ang ating mga August Celebrants n...
31/08/2026

HANDAAN TAYO RIGHT NEOW??? 🥊🎂

Oh simon, batiin naman natin ng isang maligayang kaarawan ang ating mga August Celebrants na si Frank and Hannah bago matapos ang buwan na ito.

Nais namin kayong pasalamatan sa inyong hindi magkamayaw na pagpupursigi at dedikasyon upang makamit ang hinahangad nating bukas. Ang aming wish para sa inyo ay isang mas maaliwalas at maalwang buhay na puno ng tagumpay at kasiyahan.

Happy birthday and more birthdays to come, Frank Dela Torre Araneta and Hannah Joi Nazareta! 💙🌊

𝐀𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐃𝐃𝐈𝐄𝐒 𝐏𝐔𝐒𝐇 𝐅𝐎𝐑 𝐂𝐋𝐈𝐌𝐀𝐓𝐄 𝐉𝐔𝐒𝐓𝐈𝐂𝐄! ⚡️Che, August pa lang, pero dalawang bagyo na agad ang dumaan sa bansa natin, ...
13/08/2026

𝐀𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐃𝐃𝐈𝐄𝐒 𝐏𝐔𝐒𝐇 𝐅𝐎𝐑 𝐂𝐋𝐈𝐌𝐀𝐓𝐄 𝐉𝐔𝐒𝐓𝐈𝐂𝐄! ⚡️

Che, August pa lang, pero dalawang bagyo na agad ang dumaan sa bansa natin, che! Normal ba ang bigat ng mga bagyong ito para sabihing cuddle weather lang?

Maaaring indikasyon ng climate crisis yan!

Pag-usapan natin, ano tara?

Ang anunsyo nga ay ito: pag-usapan natin yan sa 𝐊𝐋𝐈𝐌𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀: 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑭𝒐𝒓𝒖𝒎 𝒐𝒏 𝑪𝒍𝒊𝒎𝒂𝒕𝒆 𝑱𝒖𝒔𝒕𝒊𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒊𝒔𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑹𝒆𝒔𝒊𝒍𝒊𝒆𝒏𝒄𝒆 ngayong 𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐 27, 𝑯𝒖𝒘𝒆𝒃𝒆𝒔, sa 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓, 𝑴𝒐𝒕𝒐𝒓𝒑𝒐𝒐𝒍 𝑫𝒊𝒗𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏, 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆 𝒅𝒆𝒍 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒆, 𝑩𝒖𝒍𝒂𝒄𝒂𝒏, mula 9:00 𝒏𝒈 𝒖𝒎𝒂𝒈𝒂 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 5:00 𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒑𝒐𝒏. Ikakasa ang forum na ito ng 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒕𝒆𝒆 𝒐𝒏 𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕 ng SIKLAB back to back with the CSJDM - City Environment and Natural Resources Office (CENRO)!

Ang talakayang ito ay bubuksan hindi lamang sa usapin ng bagyo, matinding init, at iba pang krisis pang-kapaligiran kundi pati na rin ang pagdidiin sa kung papaano ito naaapektuhan ang kalagayan, karapatan, at kondisyon ng mga kabataan. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐, layunin din ng talakayan na ito na bigyan ng espasyo ang 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆ñ𝒐 na makilahok sa usapin ng pananagutan at karapatan konektado sa usapin ng krisis pang-klima.

Tsaka che, may snacks kami rito che! Pawer! Tara na daliii 🤩⭐️

Para makapag-rehistro, dumiretso sa link na ito:
https://bit.ly/KlimalayaYouthForum
https://bit.ly/KlimalayaYouthForum https://bit.ly/KlimalayaYouthForum

Takits sa mga baddie against climate crisis!

ANO ANG TAYA MO PARA SA PROGRESIBONG PAGGOGOBYERNO? 👀🔍Are you still hesitant about joining AGOS? Puzzled on whether you ...
08/08/2026

ANO ANG TAYA MO PARA SA PROGRESIBONG PAGGOGOBYERNO? 👀🔍

Are you still hesitant about joining AGOS? Puzzled on whether you can help the organization? If so, kilalanin ang aming mga areas of involvement and engagement o ang mga paraan kung paano ka maaaring makibahagi sa ating samahan.

Malawak ang ating ginagawa at maging ang mga gagawin pa natin—kung kaya’t lubos ang aming panghihikayat sa bawat Kabataang San Joseño na sumama at makiisa sa ating adbokasiya para sa progresibong paggogobyerno.

ANO PA ANG HINIHINTAY MO? LUMIKHA NG AGOS! 💙🌊

SIGN UP NOW:
bit.ly/LumikhaNgAGOS
bit.ly/LumikhaNgAGOS
bit.ly/LumikhaNgAGOS

SA GITNA NG UNOS, LUMIKHA NG AGOS! 💙🌊Humaharap ang Pilipinas sa pagkarami-raming suliranin. Habang nagmamahal ang presyo...
31/07/2026

SA GITNA NG UNOS, LUMIKHA NG AGOS! 💙🌊

Humaharap ang Pilipinas sa pagkarami-raming suliranin. Habang nagmamahal ang presyo ng mga bilihin at pahirapan pa rin ang akses sa edukasyon, healthcare, at iba pang basic services, mainit ding usapin ang katiwalian sa pamahalaan, ang umuugong na impeachment trial, at maging ang pagpasok ng bansa sa Pax Silica Agreement.

Sa lahat ng mga ito, ang pinakaapektado ay ang bawat mamamayang Pilipino. At dahil dito, tinatawag ng panahon ang bawat kabataan na makiisa sa kampanya upang bigyang wakas ang mga problemang ito at ilayag ang adbokasiya para sa progresibong paggogobyerno.

Ano pa ang hinihintay mo, Kabataang San Joseño? Sumali na sa AGOS.

SIGN UP NOW:
bit.ly/LumikhaNgAGOS
bit.ly/LumikhaNgAGOS
bit.ly/LumikhaNgAGOS

YUHOO DITO ANG TINGIN, BIRTHDAY NA NI HANNAH 🎂🎉Hindi na para mag "1 2 3 go kanya-kanya na" dahil today ang birthday ng a...
30/07/2026

YUHOO DITO ANG TINGIN, BIRTHDAY NA NI HANNAH 🎂🎉

Hindi na para mag "1 2 3 go kanya-kanya na" dahil today ang birthday ng aming ResDev Assoc na si Hannah. Kaya't sabay-sabay natin siyang batiin!

Hanga kami sa husay at sikhay mo, kaps. Nawa’y magpatuloy ang iyong nag-aalab na diwa para sa bawat adbokasiyang ipinaglalaban mo.

At sa pagpasok ng panibagong yugto ng iyong buhay, may you continue to find success, fulfillment, and happiness. Happy birthday, HANNAH! 🌊

  ON  : Masyadong mataas ang ganitong uri ng ekspektasyon mula sa isang administrasyon na hindi naman binibigyang-pansin...
27/07/2026

ON : Masyadong mataas ang ganitong uri ng ekspektasyon mula sa isang administrasyon na hindi naman binibigyang-pansin ang tunay na pagpapaunlad sa kakayahan ng mga kabataan. Hanggat nananatiling kapos ang pondo sa edukasyon at may patuloy na gumagawa ng paraan upang bawasan ang kamulatan ng mga mag-aaral katulad na ng mga kilos para sa General Education (GE) Reform, mananatiling nasasadlak ang mga kabataan.

  ON  : Ang ganitong uri ng pagbabago, nang walang karampatang suporta at maaayos na polisiya, ay naglalagay lamang ng m...
27/07/2026

ON : Ang ganitong uri ng pagbabago, nang walang karampatang suporta at maaayos na polisiya, ay naglalagay lamang ng mga stakeholders sa panganib at desbentaha. Madalas ay napupunta pasanin at dalahin sa mga g**o na nahihirapang maghanap ng mga work immersion sites, mga estudyante na naisasabak nang walang maayos na pagsasanay, at mga magulang na pilit tinutustusan ang pagsasakatuparan ng requirement na ito.

  ON  : Ang de-kalidad na edukasyon ay mahirap pa ring maabot. Nananatiling masalimuot ang admission processes ng mga st...
27/07/2026

ON : Ang de-kalidad na edukasyon ay mahirap pa ring maabot. Nananatiling masalimuot ang admission processes ng mga state universities and colleges dala ng kakulangan sa pondo nito, habang patuloy na tumataas ang tuition fees sa mga pribadong paaralan.

  ON  : Higit sa pagbibigay solusyon sa income tax, dapat ding maramdaman ang intensyong ito ng pangulo sa pang-araw-ara...
27/07/2026

ON : Higit sa pagbibigay solusyon sa income tax, dapat ding maramdaman ang intensyong ito ng pangulo sa pang-araw-araw na gastusin. Nananatiling malaki ang value-added tax at iba pang mga buwis na siyang patuloy na bumubutas sa bulsa ng mga mamamayan, kung kaya’t mahalaga rin na masilip at masolusyunan ito.

  ON  : Madalas na pagkalugi ang nararanasan ng mga farmers at fisherfolks, dala ng kakulangan sa suporta at agricultura...
27/07/2026

ON : Madalas na pagkalugi ang nararanasan ng mga farmers at fisherfolks, dala ng kakulangan sa suporta at agricultural technologies. Marami pa ring pesante ang walang sariling lupang sakahan, habang inaalisan naman ang mga mangingisda ng karapatan sa kanilang municipal waters zone.

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGOS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share