08/08/2026
Kahapon August 7, 2026, nakiisa si 𝐊𝐮𝐲𝐚 𝐄𝐦𝐞𝐫 𝐎𝐩𝐞ñ𝐚 sa pagpupulong ng 𝐋𝐚 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 sa pangunguna ni 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐜𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐁𝐚𝐬𝐜𝐨, kasama ang buong 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐄𝐱𝐢𝐞. Naging pagkakataon ito upang makapagkumustahan at mapag-usapan ang mga pangangailangan at programa para sa ating mga nakatatanda.
Kasabay nito, nagpaabot din si Kuya Emer ng 𝐦𝐞𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 bilang munting suporta sa kanilang mga gawain at pagpupulong. Sana’y makatulong ito sa kanilang mga aktibidad at magsilbing bahagi ng patuloy na pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda.