Call Directions Contact the organization

KISLAP KISLAP is a mental health platform driven to create supportive, safe spaces. By .csjdm

Volunteer with us: bit.ly/KislapVolunteers

KILALANIN ANG ATING TAGAPAGSALITA! ๐Ÿงก๐Ÿ’›๐Ÿ’™Siya ay isang Registered Psychometrician at Grade School Guidance Associate sa Naz...
27/02/2026

KILALANIN ANG ATING TAGAPAGSALITA! ๐Ÿงก๐Ÿ’›๐Ÿ’™

Siya ay isang Registered Psychometrician at Grade School Guidance Associate sa Nazareth School of National University. Nagtapos siya ng kursong BS in Psychology at kasalukuyang kumukuha ng MA in Counseling sa National Teachers College.

Sa seminar na ito, tatalakayin niya ang help-seeking behavior at emotional reliance sa panahon ng artificial intelligence at kung paano hinuhubog ng teknolohiya ang paraan ng pagproseso natin ng emosyon at paghahanap ng suporta.

Ipinapakilala ang ating Resource Speaker, Ms. Niรฑa Joyce A. Cacatian, RPm!

Kita kits!

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐˜€ ๐—ก๐—ข๐—ง ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—ฎ ๐˜„๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€.Hindi ito simpleng pag-iyak lamangโ€”ito ang ating emosyonal, pisikal, at mental na...
15/02/2026

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐˜€ ๐—ก๐—ข๐—ง ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—ฎ ๐˜„๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€.

Hindi ito simpleng pag-iyak lamangโ€”ito ang ating emosyonal, pisikal, at mental na kalusugang nanawagan ng tulong at malalim na pang-unawa.

Ang paniniwala na ito raw ay pawang kahinaan lamang ng mga kabataang lunod sa social media ay isang tradisyunal at makalumang paraan ng pag-i-invalidate ng mga kontemporaryong isyu ng ating mga anak, kaibigan, at iba pang mamamayan.

Sa katunayan, ang depresyon ay isang tunay na karanasan. Isang aktwal na paghihirap ng ating sarili mula sa labis na kalungkutan, kawalan ng ganang mabuhay, pagkaramdam ng labis na pagbaba sa motibasyon at pag-asa, kawalan ng gana kumain, insomnia at marami pang iba (WHO, 2025).

Maraming ugat ang seryosong pangkalusugang isyung ito, at ang pagtawag dito bilang kahinaan ay hindi isang akto ng katatagan. Sapagkat ang tinatawag na โ€œkatataganโ€ nito ay isa pa ngang akto ng โ€œemotional suppression,โ€ kung saan pinapatay natin ang ating mga emosyon (lungkot, hiya, galit, atbp.) sa halip na kilalanin bilang normal na parte ng pagiging tao na kailangan nating tugunan at intindihin (Costa, 2020).

Sa patuloy na pagpapakalat ng stigma laban sa mental health issues katulad ng depresyon, hindi lamang nito pinapaliit ang oportunidad sa ligtas at bukas na pamayanan, mas pinapahina lang din nito ang kalooban ng mga nakararanas na manghingi ng tulong sa ating kapwa.

Libre lang ang umunawa. Kaya sa abot ng ating kamalayan, ating tingnan ang mga isyung pangkalusugang ito nang may bukas na mata, tainga, at pag-iisip.

Sapagkat hanggang sa dulo, ang depresyon ay hindi isang kahinaan, at hindi kailanman.

Ang depresyon ay nangangailangan ng ating tulong, at hindi ng panghuhusga.

โœ’๏ธ: Maddy

References:
Costa, R.M. (2020). Suppression (Defense Mechanism). In: Zeigler-Hill, V., Shackelford, T.K. (eds) Encyclopedia of Personality and Individual Differences. Springer, Cham. https://doi.org/10.1007/978-3-319-24612-3_1431

World Health Organization: WHO. (2025). Depressive disorder (depression). https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/depression




Address

San Jose Del Monte
3023

Telephone

+639950352671

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KISLAP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to KISLAP:

Shortcuts

Share