12/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐| ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
NANININDIGAN ANG KABATAANG SAN JOSEรO
NO TO BSKE POSTPONEMENT!
Kami, ang mga ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง at ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฌ ng ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ง๐ญ๐, ay ๐ฌ๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง ๐ฅ๐๐๐๐ง sa anumang ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ค๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ง ang ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ (๐๐๐๐).
Para sa amin, ang halalan ay hindi lamang tungkol sa isang petsa sa kalendaryo. Ito ay tungkol sa karapatan ng bawat mamamayan na pumili, makilahok, at magkaroon ng pagkakataong maglingkod sa kanilang komunidad.
Lalo na para sa kabataan, ang Sangguniang Kabataan ay isang mahalagang daan upang matuto, makilahok, mamuno, at maging bahagi ng paggawa ng mga desisyong may direktang epekto sa ating mga barangay.
Hindi dapat manatiling naghihintay ang boses ng kabataan.
Kung may kailangang ayusin sa proseso ng halalan, ayusin natin. Kung may mga hamon na kailangang paghandaan, paghandaan natin. Ngunit ang mga hamon sa sistema ay hindi dapat maging dahilan upang paulit-ulit na ipagpaliban ang pagkakataon ng mamamayan na pumili ng kanilang mga lider.
Naniniwala kami na ang isang demokratikong lipunan ay hindi dapat matakot sa halalan.
Ang solusyon sa problema ng sistema ay mas maayos na sistemaโhindi ang pagpapaliban ng halalan.
Bilang mga kabataan ng San Jose del Monte, nais naming makita ang isang halalang nagbibigay ng patas na pagkakataon sa mga kabataan na bumoto, tumakbo, makilahok, at maglingkod.
Hindi ito panawagan para sa isang kandidato o isang grupo.
Ito ay panawagan para sa karapatan ng kabataan at ng bawat mamamayan.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
#๐๐๐ฉ๐๐ญ๐๐๐ฒ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Tindig Tayo
BB1 Youth Movement
One Kabataan - 5
Minuyan 4 Youth Advocate - M4YA
Solidong Kabataan - Brgy. Muzon South
Kabataan ang Priority - Brgy. Muzon South
Ramdam Lingkod - Brgy. Kaypian
Tindig Kabataan
Sikap Kabataan - Poblacion
_______________
Nanawagan kami sa mga youth, student, civic, at iba pang organisasyon sa San Jose del Monte na makiisa sa paninindigang ito.
Maaaring magkakaiba ang ating pananaw, ngunit maaari tayong magkaisa sa isang prinsipyo:
๐๐ง๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ง.
Ang pahayag na ito ay sinimulan ng ๐๐ข๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐๐๐ at ๐๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฌ๐๐ง๐จ (๐๐๐๐) at bukas sa lahat ng organisasyong nais makiisa.
Magkakaiba man tayo, sama-sama para sa karapatan ng kabataan.
๐๐๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐. ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค. ๐๐๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
https://forms.gle/2fqoE7NqJWEfCr318
https://forms.gle/2fqoE7NqJWEfCr318
NANININDIGAN ANG KABATAANG SAN JOSEรO.
NO TO BSKE POSTPONEMENT!