12/05/2025
"Congratulations po sa Team Arangkada mula sa pamunuan ng Brigidoville HOA Phase II — Mabuhay po kayo!
Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng bawat mamamayan na umaasang magkakaroon ng mas maayos, makatao, at progresibong pamahalaan. Nawa’y magsilbi itong simula ng isang mas inklusibo at makabuluhang pamumuno para sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Kami rin ay taos-pusong bumabati at nagpaparating ng paghanga sa lahat ng mga nag-alay ng kanilang panahon, kakayahan, at puso bilang mga kandidato sa lokal na halalan. Ang inyong malasakit at hangaring makapaglingkod ay inspirasyon para sa maraming mamamayan. Ang inyong partisipasyon ay patunay ng buhay na demokrasya sa ating lungsod.
Ipagpatuloy po natin ang pagkakaisa, respeto, at malasakit para sa kapakanan ng buong komunidad. Sama-sama nating itaguyod ang isang maunlad, ligtas, at mas makatarungang San Jose Del Monte.