26/04/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa COUPLES FOR CHRIST sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng donasyon para sa aming mga bata. Ang inyong kabutihang-loob ay isang malaking tulong sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga batang aming inaalagaan.
Ang inyong suporta ay nagdudulot ng pag-asa at saya sa kanilang mga puso. Maraming salamat po sa inyong malasakit at pagmamahal. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Panginoon.