30/08/2022
Ginugunita ngayong araw ng sambayanang Bulakenyo ang ika-172 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni G*t Marcelo H. del Pilar - Manunulat, Mamamahayag, Abogado, at Repormista na tumulong sa pagkamulat ng mga Pilipino sa pagkakamit ng "Kalayaan" sa kamay ng mga mananakop na Kastila.
Idineklara si Del Pilar bilang Panlalawigang Bayani sa bisa ng Section 24 ng Ordinansa Blg. C-004 o “New Provincial Administrative Code of Bulacan.” Isinasagawa ngayon ang paggunita sa kanyang kaarawan sa kanyang tahanan na ngayo'y Dambanang Marcelo H. Del Pilar, San Nicolas, Bulakan, Bulacan.
Colorized photo ni Del Pilar mula kay Billy Joe B. Marciano
*tMarceloHdelPilar