03/08/2026
LIKHAAN: Himig ng Kabataan at Pagkakaisa ๐ถ
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng ating munting jamming session!
Sa bawat awit na tinugtog, bawat palakpak, at bawat ngiti, mas lalo nating napatunayan na ang musika ay tunay na nagbubuklod sa ating komunidad. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating mga performers, Ace Con, Mondaze, at The Maybes sa pagbabahagi ng kanilang talento at pagbibigay-buhay sa ating entablado.
Maraming salamat din sa Vrede Cafรฉ sa mainit na pagtanggap at sa pagbibigay ng espasyo upang maisakatuparan ang event na ito at sa mga nakijamming.
At syempre, isang malaking pasasalamat sa buong Sentro Musika, sa organizers, volunteers, at sa bawat taong naglaan ng oras at pagod upang maging matagumpay ang LIKHAAN.
Hanggang sa muli! Patuloy nating suportahan ang lokal na musika at ang talento ng kabataang Pilipino.
Para sa mga nais maging bahagi ng organisasyon maaring sagutan Ang application form na ito ๐๐o magpadala ng mensahi sa aming page or sa core members.