04/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ฌ ๐จ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก ๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก! ๐ง๐๐ฅ๐, ๐ช๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐!
Nitong ika-31 ng Mayo, matagumpay na inilunsad ang ๐๐๐ก๐ก๐๐ฉ ๐พ๐๐๐๐ ! ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐จ๐๐จ na isang one-day youth workshop na layong magbigay ng praktikal na kaalamang pinansiyal, maunawaan ang kasalukuyang lagay ng ating ekonomiya, at bumuo ng pagkilos sa lente ng ating lokal. Ito ay dinaluhan ng mga iskolar, upcoming college student, at kabataan ng ating barangay na ginanap sa Towerville Phase 6G Multi-Purpose Hall.
Ipinahahatid din ng ADHAYA, ALPAS TAYO, at ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Gaya-Gaya ang malugod na pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa, lalo na sa mga panauhing tagapagsalita na si ๐๐ง. ๐๐๐ฉ๐ฉ๐๐๐ฌ ๐พ๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐๐ก๐ซ๐๐ง๐๐ค, Student Council Alliance of the Philippines Secretary General na naglatag ng isang makabuluhang talakayan ukol sa paano gumagana ang ating ekonomiya sa ilalim ng sistemang kapitalismo at paano tayo nito direktang naaapektuhan sa araw-araw nating paggasta.
Kasunod nito, nagbigay ng mahahalagang punto si ๐๐จ. ๐
๐๐๐ฆ๐ช๐ ๐๐จ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ฉ๐, isang accounting assistant sa paano ba dapat tinitingnan ang baon o allowance hindi lang sa pagitan ng kailangan at gusto kundi paano magiging responsable at matalino sa paggamit nito.
Sa huli, tinapos ang Wallet Check sa isang panawagan ng pagbuo ng mga programa at inisyatibang para sa kabataan, mula sa kabataan. Pina-igting nito ang pinakalayunin na hindi lang basta tingnan ang patuloy na krisis bilang nasa sari-sariling โsurvival modeโ kundi paano tayo kikilos sa mga ganitong isyu bilang kabataan sa kaniya-kaniya nating kapasidad at komunidad.
Ang krisis na ito ay hindi lamang usapin ng ekonomiya bagkus ay usapin din ng ating edukasyon at kinabukasan.