03/08/2026
"Halos araw-araw po ay nakakasaksi tayo ng mga minor accident dito sa bayan ng Bulakan, Bulacan. Bukod sa panahon na po ng tag-ulan ay sadyang nakadisenyo ang mga kalsada ng Bulakan noon pang panahon ng mga Kastila, masikip at karamihan ay biglaang kurbada, kaya nagkakabulagaan ang karamihan ng mga motorista na dumadaan dito," ani Bulakan Dimabungo Eagles Club President Kuya Benjie Varella Jr., habang kahuntahan ang kagalang-galang na Kapitana ng Barangay Tibig sa katauhan ni Kap. Maria Rosario Lava Gamboa.
Bukod sa Barangay Tibig ay nagbahagi rin ng Blind Spot Mirrors ang BDEC sa barangay ng San Francisco at Balubad.
"Inuna muna natin itong tatlong Barangay na ito pero titiyakin po natin na lahat ng Barangay sa Bulakan ay magkakaroon ng Blind Spot Mirrors upang maging ligtas ang mga motorista na dumadaan sa mga kalsada ng ating bayan," dagdag pa ni Kuya Pres Benjie Varella Jr.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Unang Proyekto ng Batch 4 Applicants ng Bulakan Dimabungo EC katuwang ang Kapisanan!