31/08/2026
โ๐ซ๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ ๐ต๐ญโจ
Ang diwa ng kabayanihan ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi lakas ng sambayanan. Buhay ang diwa ng mga bayani sa bawat Pilipinong naglilingkod, nagmamalasakit, lumilikha, at kumikilos para sa kapwa at sa bayan.
Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, nakikiisa ang Pambansang Komisyon para s Kultura at mga Sining (NCCA) sa sambayanang Pilipino sa paggunita at pagbibigay-pugay sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang talino, lakas, panahon, at buhay para sa kalayaan, dignidad, at kinabukasan ng ating bayan.
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP), sabay-sabay nating alalahanin ang mga bayaniโkilala man o hindiโ sa kanilang mga sakripisyo at adhikain ay naging bahagi ng ating kasaysayan at patuloy na humuhubog sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.
Sa pamamagitan ng kultura, sining, at malikhaing pagpapahayag, patuloy nating pinangangalagaan at isinasalin sa mga susunod na henerasyon ang mga kuwento at ang kasaysayang kanilang ipinaglaban.
Ngayong araw, magsama-sama tayong magbigay-pugay sa ating mga bayani at isabuhay ang kanilang mga aral.
Makiisa. Magbigay-pugay. Isabuhay ang diwa ng kabayanihan.
Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! ๐ต๐ญ