05/11/2022
Pagmulat sa Realidad
Maraming nasira dahil sa Frat. Nasira yung buhay. Nasira yung kinabukasan.
Napatay. Nakulong. Nalulong sa masamang bisayo dahil sa mga impluwensya na masasamang mga ka Frat. Nalulong mismo sa Frat na wala ng ginawa at wala ng Plano puro Frat na lang. (Iwan ang pamilya at pati ang sarili).
Yung Adrenaline mo palong Palo. Pero sa huli magigising ka. Napag iwanan ka na ng panahon. Magka iba yung may choices at yung minalas lang sa buhay. Yung FRAT bibigyan ka ng choices at qualification sa buhay. (Kaya nga may tenets at by laws eh.) Karamihan sa atin yun ang nakakalimutan.
"To Excel to your Chosen field and endeavor" . Sabi nung isang Frat.
"Study First before others." Sabi nung isa pa.
Pero anong nangyari? At saan na napunta?
Yung "Frat war" that is a mistake of all. Naitama na natin yan. Kaya nga nag involve tayo sa Community Activities wars (Pagandahan at pabonggahan ng proyekto).
Pero what we did not realize yung individual mistake natin and the Frat itself na kung saan tayo. Maraming members out of the school youth, Marami sa atin ni sariling members hindi maibangon na kailangan tulungan. Nakakatawa na lang minsan, Yung iba natutulungan natin pero yung ka uri natin at kapatid. Wala olats🙄. Ito yung mind set na dapat nating icorrect. "Brothers first". Yung Feeding na yan. Hindi ko minamamaliit pero isipin mo yung expenses diyan. And what if ibigay na lang sa ka brod na kailangan kailangan. O kaya gamitin para tulungan makapag enrol sa basic Training o livelihood project. Mabibigyan mo pa ng chance magkaroon ng mas maganda buhay. Of Course out of the argument kung sobra sobra na ang Frat.
Kaya ganun na lang tayo inibabawan ng mga socio civic organizations, clubs etc. Na way back malayo malayong sa founding date nila compare sa atin.
Nabaon tayo sa mga kamalian natin. At paulit ulit nating pinagkukuwentuhan at nagpapaangasan tungkol sa "Frat war". Imbes na mag share tayo ng kwentong negosyo at success sa buhay.
Pero bago mo isipin na magulo ang sinusulat ko😁. Na realize mo na ba na baka yung mindset mo lang sa pagiging Fratman yung magulo at hindi yung FRAT mismo? At kund hindi naman ikaw yung magulo na realize mo ba bakit hindi ka tumayo at mag share sa brod mo para unti unting itama ang mind set Ng Frat?
Wag nating hayaan na sa gitna ng kumpetensya sa mundo. Ikaw na member ng Frat mo. Kwentong Fratwar lang ang pagmamalaki mo. Kwentong walang pakinabang...... Kwentong sa una lang masarap pakinggan at mabilis pagsawaan.
SUMASALADO SA MGA BROD NA PINAGBUTI ANG SARILI AT BINAHAGI AT TUMULONG PARA MABUTI ANG IBANG BROD... Mabuhay kayo! Walang iwanan❤️