Students with Historical Identity Endowed with Leadership and Dignity

Directions Contact the organization

Students with Historical Identity Endowed with Leadership and Dignity Tumindig at Lumaban! Pagsilbihan ang Sambayanan! Alpas mga G**o ng Bayan, Alpas SocStud!
(1)

22/09/2026

Ngayong araw, Setyembre 21, hindi katahimikan ang pinili ng mga Iskolar ng Bayan. Isinagawa ang campus walk-out upang iparating ang nag-aalab na hinaing ng mga Isko at Iska ng bayan โ€” na hindi kailanman natitinag ang masidhing damdamin para sa katarungan. Katarungan para sa libo-libong biktima ng kalupitan. Katarungan para sa bawat pisong ninakaw. Katarungan para sa kasaysayang pilit binabaluktot at binubura.

Isang madugong tagpo sa kasaysayan na hindi kailanman dapat limutin. Panahon ng kaliwa't kanang paglabag sa karapatang pantao, sapilitang pagkawala, tortyur, pagbusal sa malayang pamamahayag, pagsikil sa kritisismo, at bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin ng sambayanan.

Hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid-aralan at sa pag-aaral ng kasaysayan ang papel ng mga kabataan. Ang tungkulin namin ay ipaglaban ito. Buong lakas at taas kamaong sumisigaw ang bawat kabataang BulSUan - mula Sarmiento hanggang Malolos - na kami ay patuloy na magbabantay, maniningil, at lalaban.

Habang may nagtatangkang magpabango sa pangalan ng diktador, habang patuloy ang korapsyon at kahirapan, hinding-hindi mananahimik ang mga minsan nang binusalan.

Hindi nakakalimot ang kasaysayan. Hindi mapapatahimik ang katotohanan.

โœ’๏ธ | Rain Mirasol
๐Ÿ’ป | John Renz Adle



.NeverForget

๐‹๐”๐๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ˆ๐‘๐€๐๐†, ๐ƒ๐”๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐†๐ˆ๐“๐ˆ๐๐†Ngayong ika-15 ng Setyembre, ginugunita natin ang anibersaryo ng pagbubukas ng Malol...
15/09/2026

๐‹๐”๐๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ˆ๐‘๐€๐๐†, ๐ƒ๐”๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐†๐ˆ๐“๐ˆ๐๐†

Ngayong ika-15 ng Setyembre, ginugunita natin ang anibersaryo ng pagbubukas ng Malolos Congress noong Setyembre 15, 1898โ€”isang makasaysayang tagpo na nagbigay-hugis sa mithiin ng isang malaya, soberano, at demokratikong Pilipinas. Sa pangunguna ni Pangulong Emilio Aguinaldo at sa pamumuno ni Pedro Paterno bilang pangulo ng Kongreso, nagsama-sama ang mga kinatawan ng bayan upang isulong ang pagkilala sa kasarinlan at ang pagtatatag ng isang pamahalaang nakabatay sa konstitusyon.

Ang Malolos Congress ay hindi lamang isang institusyong pampolitika ng nakaraan. Ito ay patunay na ang kalayaan ay hindi nagtatapos sa paglayo sa kolonyal na kapangyarihan; ito ay nagpapatuloy sa pagtatatag ng pamahalaang may pananagutan sa mamamayan, paggalang sa karapatan, at katapatan sa soberanya ng bayan. Sa kasaysayan ng ating republika, ipinapaalala nito na ang kapangyarihang pampolitika ay dapat magsilbi sa interes ng sambayanan, hindi sa pansariling kapakinabangan ng iilan.

Ang kasaysayan ng Malolos Congress ay hindi lamang alaala ng ating nakaraan. Ito ay hamon sa kasalukuyan: Anong uri ng pamahalaan ang ating itinataguyod, at para kanino ito tunay na nagsisilbi? Sa bawat Bulakenyo, nawaโ€™y manatiling buhay ang diwa ng Malolosโ€”isang diwang hindi lamang nagtataguyod ng kalayaan, kundi naninindigan para sa isang makatarungan, mapanagot, at tunay na malayang republika.

โœ’๏ธ | Rain Mirasol
๐Ÿ’ป | John Rich Calixterio


๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐š ๐Œ๐š๐ž!Mula sa ating organisasyong SHIELD, taos-puso ka naming binabati sa iyong espesyal na ar...
01/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐š ๐Œ๐š๐ž!

Mula sa ating organisasyong SHIELD, taos-puso ka naming binabati sa iyong espesyal na araw. Kamiโ€™y nagpapasalamat sa iyong dedikasyon sa iyong gampanin bilang Opisyales Para sa Mahahalagang Gawain sa ating organisasyon.

Hangad namin ang iyong kasiyahan at maging ang iyong tagumpay! Nawa ang araw na ito ay mag-iwan sa iyo ng magaganda at masasayang pangyayari na iyong babalikan sa mga susunod na taon.

Muli, binabati ka namin, Maligayang Kaarawan, Kapatid!

โœ’๏ธ | Jelly Ann Salih
๐Ÿ’ป | Jewel Anne Ansino


โ€Ž๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น...
01/09/2026

โ€Ž๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด.
โ€Ž
โ€ŽNgayong buwan ng mga g**o, ating kilalanin at pahalagahan ang bawat g**ong nagpamalas ng kanilang husay, talino at dedikasyon sa paggabay at pagmumulat sa kabataan. Sa kabila ng pagod, hirap, at sa pabago-bagong panahon patuloy pa rin ang kanilang mithiin na paglingkuran ang bayan at imulat ang mga kabataan. Nararapat lamang na kayoโ€™y saluduhan at pasalamatan, mga maโ€™am at ser ng bayan!
โ€Ž
โ€ŽMuli, Maligayang Buwan ng mga G**o!
โ€Ž
โ€ŽIangat ang kaguruan. Palakasin ang mga g**o. Pahalagahan ang kanilang husay.
โ€ŽHappy National Teachersโ€™ Month! ๐Ÿ™Œ๐Ÿป๐Ÿฉต
โ€Ž
โ€Žโœ’๏ธ | Serafin Ruiz at Angelo Mulair
๐Ÿ’ป | Alyza Cadiz


31/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ, ๐— ๐—”๐—ฌ ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—จ๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—œ๐—ก

Ngayong Araw ng mga Bayani, hindi natin dapat kalimutan ang mga ambag, sakripisyo, at katapangang iniwan ng mga magigiting nating bayani para sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng isang panayam, ating alamin kung paano natin kinikilala at binibigyang-halaga ang kabayanihan, noon man o sa kasalukuyan.

โœ’๏ธ | John Adle
๐Ÿ’ป | Lionel Lara, Ralp Resurrecion, Timothy Melegrito


๐“๐š๐š๐ฌ ๐ค๐š๐ฆ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ ๐š!Malugod na binibigyang pagbati ng SHIELD ang dati nitong mi...
31/08/2026

๐“๐š๐š๐ฌ ๐ค๐š๐ฆ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐ž๐๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ ๐š!

Malugod na binibigyang pagbati ng SHIELD ang dati nitong miyembro na si Gng. Genesa V. Daquioag para sa kaniyang pagtatapos sa kursong Master of Education Major in Social Studies sa La Consolacion University of the Philippines.

Naging bahagi ng organisasyon si Gng. Genesa sa kaniyang kolehiyo noong taong panuruan 2019 hanggang 2023. Hindi rito natapos ang kaniyang masidhing dedikasyon sa pag-aaral ng lipunan dahil ngayon nga siya ay nagtapos ng Masteral sa medyor na ito.

Isa lamang si Gng. Genesa sa mga patunay na hindi lamang sa kolehiyo dapat makahon ang pagmamahal at pag-aaral sa lipunang ating ginagalawan, bagkus ay simula pa lamang ito ng mahabang pakikibaka para sa bayan, kasaysayan, at mamamayan.

Basta Soc Stud, mahusay!

โœ’๏ธ | Rain Mirasol
๐Ÿ’ป | John Rich Calixterio


๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ! Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, ating gunitain ang araw na ito bilang pagbibigay-...
31/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ!

Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, ating gunitain ang araw na ito bilang pagbibigay-pugay sa magigiting na bayani ng ating bayanโ€”mga bayaning nag-alay ng kanilang pagmamahal, kaalaman, katapangan, at maging ng kanilang buhay para sa ating bansa.

Unang itinakda ang pagpaparangal sa ating mga bayani tuwing huling Linggo ng Agosto noong panahon ng pamamahala ng mga Amerikano, sa pamamagitan ng Batas Blg. 3827 noong Oktubre 28, 1931. Gayunman, inilipat ito sa huling Lunes ng Agosto matapos lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Batas Republika Blg. 9492 noong Hulyo 24, 2007.

Ang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang isang ordinaryong paggunita sa mga Pilipinong lumaban para sa ating bayan. Ito ay isang espesyal na araw upang alayan natin sila ng paggalang at alalahanin ang kanilang kabayanihan. Kaya naman, sama-sama nating ipagbunyi ang lahat ng ating mga bayani!

Lahat ng dugong dumanak sa lupa, bawat patak ng kanilang mga luha, at sa buhay na kanilang itinayaโ€”sa huli, winagayway pa rin ang ating Bandila. Tunay na ang pagmamahal sa ating Inang Bayan ay hindi nagtatapos sa ating paglaban, sapagkat ito ay nagpapatuloy dahil ang ating nakaraan ay ugat ng kasalukuyan, at ang ating kasalukuyan ay tulay tungo sa kinabukasan.

Isang saludo para sa lahat ng mga Bayani ng ating Bayan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โœ’๏ธ | Nicole Bohol
๐Ÿ’ป | Angela Gregorio


30/08/2026

๐“๐ข๐ง๐ข๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐ค๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง.

Marcelo H. Del Pilar, ang kaniyang pangalan ay nanatiling bahagi ng kasasaysayan. Ngayong Agosto 30, ating gunitain ang isang dakilang
propagandista at makabayang manunulat na lumalaban para sa bayan, dala ang sandatang panulat para sa karapatan at kinabukasan ng mga Pilipino.

Sa pagunita ng araw na ito ay nag papaalala na may mga laban na hindi kailangan ng dahas, kundi ng salita, paninidigan at katotohanan.

Kaya naman, tunghayan ang isang makabuluhang talakayan na inihahandog sa inyo ng Komite sa Teknikal sa pangunguna ni John Renz Adle, Tagapangulo ng Komite sa Teknikal ng SHIELD, patungkol sa yaman ng kasaysayan at buhay ng isa sa pinaka dakilang propagandista ng bansa, Marcelo H. Del Pilar.

๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ.

โœ’๏ธ | Rish Ropero
๐Ÿ’ป | John Adle


๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ ๐ƒ๐€๐˜Ang National Press Freedom Day ay nakapaloob sa Republic Act No. 11699 na nilagdaan noong Abri...
30/08/2026

๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐…๐‘๐„๐„๐ƒ๐Ž๐Œ ๐ƒ๐€๐˜

Ang National Press Freedom Day ay nakapaloob sa Republic Act No. 11699 na nilagdaan noong Abril 2022, nakahayag dito na ipinagdiriwang ang National Press Freedom Day sa ika-30 ng Agosto kada taon dahil ito rin ang araw ng kapanganakan ni Marcelo H. Del Pilar na tinaguriang Father of Philippine Journalism.

Halinaโ€™t ating gunitain at bigyang halaga ang kalayaan at karapatan ng mamamahayag sa paglalahad, pagsisiyasat, pagiging boses, at sa pagtataguyod ng katotohanan. Hindi kailanman kaaway ang pahayagan, kayaโ€™t sama-sama tayong tumindig, maki-alam, at protektahan ang pahayagan sa banta na patuloy na bumabalot sa ating lipunan sa likod ng ating kalayaan at karapatan.

Ang pagtindig, pagboses, paghayag, at pagsiyasat ay hindi magiging isang pribelehiyo, itoโ€™y karapatan at kalayaan ng bawat Pilipino.

๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐๐€๐‡๐ˆ๐Œ๐ˆ๐Š, ๐’๐€ ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐ ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐๐ˆ๐Š.

โœ’๏ธ | Jelly Ann Salih
๐Ÿ’ป | Jewel Anne Ansino


๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐‚๐ฅ๐š๐ฎ๐๐ข๐ง๐ž!Buong galak na ipinagdiriwang ng Pamilya Medyor sa Araling Panlipunan ang kaarawan n...
26/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐‚๐ฅ๐š๐ฎ๐๐ข๐ง๐ž!

Buong galak na ipinagdiriwang ng Pamilya Medyor sa Araling Panlipunan ang kaarawan ng isang kahanga-hangang g**o na taglay ang ganda, talino, husay sa pagtuturo, at dedikasyon sa paghubog ng mga mag-aaral.

Ang pangalang Claudine, na maaaring iugnay sa Claude o ulap, ay may magandang simbolismo. Tulad ng ulap na nagbibigay ng lilim at ulan, kinakatawan nito ang isang g**ong nagiging daluyan ng kaalaman, gabay, at inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral. Tulad din ng ulap na patuloy na gumagalaw at nagbabago, sumasalamin ito sa isang g**ong patuloy na natututo, umuunlad, at umaangkop sa bawat henerasyon.

Sa bawat talakayan, higit pa sa mga konsepto tungkol sa kasaysayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ang naibabahagi ni Maโ€™am Claudine. Naipauunawa rin ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip, malalim na pag-unawa, at pagiging responsableng bahagi ng lipunan.

Bilang isa sa mga g**o ng Araling Panlipunan, ang kanyang husay at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral at sa mga naghahanda ring tahakin ang landas ng pagtuturo.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang panibagong yugto ng iyong buhay, puno ng pagpapala, tagumpay, kaligayahan, mabuting kalusugan, at mga bagong pagkakataong patuloy na makapagbigay ng kaalaman at inspirasyon.

Mula sa Pamilya Medyor sa Araling Panlipunan, taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Claude! Nawaโ€™y patuloy na maging tulad ng ulapโ€”malayang naglalakbay, nagbibigay ng lilim, at nagdadala ng panibagong buhay at pag-asa saan man mapunta.

โœ’๏ธ | Rizalyn Trinidad
๐Ÿ’ป | Jewel Anne Ansino


Address

San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Students with Historical Identity Endowed with Leadership and Dignity posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Students with Historical Identity Endowed with Leadership and Dignity:

Shortcuts

Share