Unified Youth San Joseño

Directions

Unified Youth San Joseño UY! Aims of UY! San Joseño

• UY! San Joseño upholds the demand of the fundamental law emphasizing the vital role of the youth in nation-building.

• UY!

San Joseño is registered with the National Youth Commission's Youth Organization Registration Program and the Securities and Exchange Commission (SEC), Local Youth Development Council - Chairperson of Governance Committee. San Joseño raises various youth-focused advocacies and programs which support the imperative civil, cultural, economic, social, and political rights of the youth.

• UY San Joseño establishes strong connection within other non-governmental and governmental organizations in fulfilling the integral part of the younger citizenry in the betterment of the society.

• UY San Joseño aims to promote various national and international frameworks
that guide different youth-led organizations in promoting the holistic participation
of the youth in society.

• UY San Joseño believes on the importance of volunteerism and advocacies as key steps in addressing different societal-issues affecting the well-being of the youth. VISION:

Unified Youth San Joseño envisions the unification of diverse youth-focused advocacies and voluteer-based projects of youth and youth serving organizations into its most ideal outcome promoting the significant role of every Youth San Joseño in the betterment of the CSJDM. MISSION:

Unified Youth San Joseño serves as the voice and the forefront of every Youth San Joseño toward ideal, active, empowered, and Unified Youth San Joseño through advocating and volunteering array of programs and projects as tools to amplify the youth.

𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐓𝐎, 𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐆𝐀, 𝐌𝐀𝐆𝐇𝐈𝐋𝐎𝐌.  🌿Sa mundong patuloy tayong hinihikayat na magpatuloy, minsan nakakalimutan nating hindi kah...
19/10/2026

𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐓𝐎, 𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐆𝐀, 𝐌𝐀𝐆𝐇𝐈𝐋𝐎𝐌. 🌿

Sa mundong patuloy tayong hinihikayat na magpatuloy, minsan nakakalimutan nating hindi kahinaan ang huminto, hindi pagkatalo ang magpahinga, at hindi kailangang madaliin ang paghilom.

Noong ika-15 ng Oktubre, matagumpay na isinagawa ang 𝐏𝐚𝐡𝐮𝐰𝐚𝐲𝐨𝐧, katuwang ang Unified Youth San Joseño, bilang bahagi ng Psychology Week at World Mental Health Month. Sa pangunguna ng ating resource speaker na si Mx. Mark Gray Doctolero, tinalakay ang 𝑩𝒂𝒔𝒊𝒄 𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐𝒍𝒐𝒈𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑭𝒊𝒓𝒔𝒕 𝑨𝒊𝒅 — ang kahalagahan ng pakikinig, pag-unawa, at pagbibigay ng suporta sa mga taong dumaranas ng krisis. Sapagkat kung paanong inaalagaan natin ang ating pisikal na kalusugan, nararapat lamang na bigyang-pansin din natin ang ating mental health.

Isa sa mga mensaheng tumatak sa talakayan ay: “𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚.” Hindi ito nangangahulugang kailangan nating harapin ang lahat nang mag-isa. Minsan, sapat nang maging ligtas na espasyo ang ating presensya, isang taong handang makinig nang hindi nanghuhusga at umunawa nang hindi nagmamadali.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, sa ating resource speaker, at sa mga volunteers ng Unified Youth San Joseño na naging bahagi ng gawaing ito. Nawa’y dalhin natin ang mga aral na ito lampas sa mga talakayan. Sa mundong patuloy tayong hinihikayat na magpatuloy kahit pagod na, tandaan nating hindi kahinaan ang magpahinga at hindi pagkatalo ang humingi ng tulong. 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧. 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐠𝐚𝐭 𝐧𝐚. 𝐌𝐚𝐠𝐡𝐢𝐥𝐨𝐦 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧.💚

PARTNER NG KABATAAN SAN JOSEÑO 💚Noong Linggo, pormal na bumisita ang Unified Youth San Joseño sa Sangguniang Kabataan ng...
13/10/2026

PARTNER NG KABATAAN SAN JOSEÑO 💚

Noong Linggo, pormal na bumisita ang Unified Youth San Joseño sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Gaya-Gaya, sa pangunguna nina Director of Membership and Expansion Ms. Villaruz Edrianna at Deputy Director of Health Committee Mx. Gray Doctolero. 🫶

Bitbit ang layuning palawakin ang ugnayan at palakasin ang partisipasyon ng kabataan, ipinakilala natin ang UY bilang katuwang sa pagsusulong ng mga makabuluhang programa para sa komunidad. Nagbahagi rin tayo ng mga konkretong ideya at proyektong maaaring pagtulungan para mas marami pang kabataan ang maabot at mapaglingkuran. ✅

Maraming salamat sa SK Council ng Barangay Gaya-Gaya, sa pangunguna ni SK Chairperson Mark Angelo G. Aguirre sa mainit na pagtanggap at pagiging bukas sa pakikipagtulungan! Simula pa lang ito ng mas marami pang oportunidad para sa sama-samang pagkilos at paglilingkod. 🤝🤟

𝐏𝐚𝐡𝐮𝐰𝐚𝐲𝐨𝐧: 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐭𝐨, 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐠𝐚, 𝐌𝐚𝐠𝐡𝐢𝐥𝐨𝐦.Nais mo bang lumuwag ang iyong  pakiramdam? Handa ka na bang mapawi ang bigat at s...
13/10/2026

𝐏𝐚𝐡𝐮𝐰𝐚𝐲𝐨𝐧: 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐭𝐨, 𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐠𝐚, 𝐌𝐚𝐠𝐡𝐢𝐥𝐨𝐦.

Nais mo bang lumuwag ang iyong pakiramdam? Handa ka na bang mapawi ang bigat at sikip sayong puso't isipan? Handa kana rin bang maki-isa sa isang makabuluhang talakayan, kung saan ikaw ay pakikinggan. Ito ay naglalayong bigyan pansin ang mga kabataan, at mag bigay gabay kung paano harapin ang problema, stress, at pressure na kinakaharap sa araw-araw.

Huminto ka sandali. Hinga ka nang malalim. Bigyan mo ang sarili ng pagkakataong magpahinga at maghilom. Hindi mo kailangang solohin ang lahat — kasama mo kami sa paglalakbay patungo sa mas magaan at maayos na ikaw. Halina't makilahok 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒌𝒂-𝟏𝟓 𝒏𝒈 𝒐𝒌𝒕𝒖𝒃𝒓𝒆 (𝑯𝒖𝒘𝒆𝒃𝒆𝒔) 𝟗:𝟎𝟎𝒂𝒎 - 𝟏𝟐:𝟎𝟎𝒑𝒎, 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒏𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝑨𝒖𝒅𝒊𝒐 𝑽𝒊𝒔𝒖𝒂𝒍 𝑹𝒐𝒐𝒎 (𝑨𝑽𝑹) ng Bestlink College of the Philippines - Bulacan.

𝑵𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒃𝒖𝒎𝒖𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒑𝒖𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒏𝒂 𝒐𝒌𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑.Ngayong 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆,...
10/10/2026

𝑵𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒃𝒖𝒎𝒖𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒑𝒖𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑 𝒏𝒂 𝒐𝒌𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒑.

Ngayong 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆, patuloy nating ipaglaban ang isang lipunang kung saan ang pagpapahinga ay hindi sinusundan ng guilt, ang paghingi ng tulong ay hindi ikinahihiya, at ang pag-aaruga ay hindi pribilehiyo. Dahil ang tunay na malasakit ay hindi lamang pangungumusta, kundi pakikinig, pananatili, at paglikha ng mundong mas makatao para sa lahat.

Let’s check on our friends, listen without judgment, and remind each other na hindi kailangang gawing sukatan ng katatagan ang pagiging pagod at ang patuloy na pagkaya sa lahat. 𝘽𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙 𝙘𝙝𝙚𝙘𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙣, 𝙡𝙚𝙩’𝙨 𝙖𝙡𝙨𝙤 𝙖𝙙𝙫𝙤𝙘𝙖𝙩𝙚 𝙛𝙤𝙧 𝙨𝙖𝙛𝙚𝙧 𝙨𝙥𝙖𝙘𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨𝙞𝙗𝙡𝙚 𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙝𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙨𝙪𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩 𝙛𝙤𝙧 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙤𝙣𝙚.

𝑷𝒊𝒏𝒊𝒑𝒊𝒍𝒂𝒉𝒂𝒏~‎‎Pinilahan ng iba't ibang pasabog at pakulo ang selebrasyon ng ika-anim na taon ng Unified Youth San Joseño...
04/10/2026

𝑷𝒊𝒏𝒊𝒑𝒊𝒍𝒂𝒉𝒂𝒏~
‎
‎Pinilahan ng iba't ibang pasabog at pakulo ang selebrasyon ng ika-anim na taon ng Unified Youth San Joseño noong September 27, 2027 sa Gumamela Hall Convention Center.
‎
‎Mula sa disensyong 𝑮𝒂𝒍𝒍𝒆𝒓𝒚 𝑾𝒂𝒍𝒌 na nagpapakita ng mga makabuluhang proyekto at pagsasama ng mga miyembro, 𝒀𝒂𝒓𝒏 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒚 na tunay na nagbigay ng panahon para sa lahat na mas makilala pa ang isa't isa, charades na pinamagatang "𝑮𝒆𝒕𝒔 𝑩𝒂?" na nagpagising at nagpahalakhak sa mga manonood, hanggang sa isang makabayang drag performance ni 𝑸𝒖𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒆𝒔𝒊𝒂. ✨
‎
‎Natapos ang selebrasyon sa isang cake cutting activity kung saan ang dating miyembro na si 𝑺𝑲 𝑱𝒖𝒅𝒆 𝑴𝒂𝒓𝒕𝒊𝒏 𝑨𝒕𝒂𝒏𝒂𝒄𝒊𝒐, renewed member na si 𝑱𝒐𝒔𝒆𝒑𝒉 𝑮𝒐𝒏𝒛𝒂𝒍𝒆𝒔, opisyal na si 𝑮𝒓𝒂𝒚 𝑫𝒐𝒄𝒕𝒐𝒍𝒆𝒓𝒐, at mga bagong miyembro ay nagbigay ng kanilang mga hiling at manipestasyon para sa mas marami pang tagumpay at magigiting na inisyatiba ng samahan.🫀
‎
‎Maraming salamat sa mga nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito:
‎
‎- Local Youth Development Council
‎- Youth and Sports Development Office
‎
‎

𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗 𝒃𝒂? 𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗 𝒏𝒂 𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗!‎‎Sa likod ng bawat matagumpay na programa at inisyatiba, nariyan ang mga lider-kabataan na ...
03/10/2026

𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗 𝒃𝒂? 𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗 𝒏𝒂 𝑫𝒂𝒔𝒖𝒓𝒗!
‎
‎Sa likod ng bawat matagumpay na programa at inisyatiba, nariyan ang mga lider-kabataan na handang umariba!
‎
‎Sa pagdiriwang ng anim na taong pagkakatatag ng samahan, binigyang parangal at pasasalamat ang bawat taong naging bahagi nitong tagumpay. Mula sa mga dati at aktibong miyembro, hanggang sa mga organisasyong nakasama sa pagpapalawak ng adhikain.
‎
‎Ginawaran din ng pagkilala ng 𝒀𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒐𝒇 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆 ang mga taong nagsilbing haligi ng samahan simula nang una hanggang sa kasalukuyang taon, sila ang mga kabataang kasabay ng organisasyon na lumago at magpalaganap adbokasiya.✨
‎
‎Maraming salamat sa mga nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito:
‎
‎- Local Youth Development Council
‎- Youth and Sports Development Office
‎
‎

‎𝑷𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒊𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒚𝒖𝒈𝒕𝒐!‎‎Kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na taon ng Unified Youth San Joseño noong Setyembre 27...
03/10/2026

‎𝑷𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒊𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒚𝒖𝒈𝒕𝒐!
‎
‎Kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na taon ng Unified Youth San Joseño noong Setyembre 27, 2026 sa Gumamela Hall, Convention Center, ay ang panunumpa ng mga kasalukuyan at bagong miyembro ng samahan.
‎
‎Ang panunumpa ay pinangunahan ng founder/president na si 𝑱𝒐𝒉𝒏 𝑲𝒆𝒏𝒏𝒆𝒕𝒉 𝒀𝒖𝒕𝒂𝒕𝒄𝒐. Binigyang diin niya ang mga ‎nanunumpang kasapi ay magtataguyod at magsusulong ng prinsipyo, layunin, at programa ng samahan, gayundin ang pagsisilbi ng buong puso sa iba pang sektor ng lipunan.
‎
‎Sa pagtatapos, naging isang matagumpay ang gawaing magpapatatag ng layunin at adbokasiya ng samahan para sa mas maraming bakas na maiwan sa pamayanan.✨
‎
‎Maraming salamat sa mga nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito:
‎
‎- Local Youth Development Council
‎- Youth and Sports Development Office
‎
‎

𝟏, 𝟐, 𝟑, 𝒈𝒐! 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂!‎‎Bilang taunang pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating samahan, ginanap ang 𝑮𝑰𝑻𝑰𝑵𝑮: 𝑨 𝑳𝒆𝒈𝒂𝒄𝒚 𝒐𝒇...
02/10/2026

𝟏, 𝟐, 𝟑, 𝒈𝒐! 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂!
‎
‎Bilang taunang pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating samahan, ginanap ang 𝑮𝑰𝑻𝑰𝑵𝑮: 𝑨 𝑳𝒆𝒈𝒂𝒄𝒚 𝒐𝒇 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆, 𝑨 𝑽𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑻𝒐𝒎𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘 noong ika-27 ng Setyembre 2026 sa Gumamela Hall, Convention Center.
‎
‎Nakasama natin ang mga bago at nagsipagtuloy na miyembro ng samahan sa isang makabuluhan at masayang araw. Nagkaroon tayo ng mga palaro na puno ng tawanan at kasiyahan. Mayroon ding mga aktibidad tulad ng yarn activity na nakatulong upang mas malaman ng bawat isa kung ano sila sa mata ng kapwa nila boluntir. Bukod dito ay nagkaroon din ng time capsule letter activity kung saan nagsulat ang mga miyembro ng kanilang mensahe na isinilid sa isang lagayan at nakatakdang buksan sa susunod na taon.
‎
‎Ang mga palaro at aktibidad na ito ay isinagawa upang mas magkakilanlan at mapagtibay ang samahan ng bawat kabataang bahagi ng UY San Joseño.
‎
Tayo rin ay nabigyan ng pagkakataon na makilala at makita ang mahusay na pagtatanghal ni Queen Cesia. Naipamalas nya ang natatanging talento ng isang kabataang San Joseño.✨

‎Maraming salamat sa mga nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito:
‎
‎- Local Youth Development Council
‎- Youth and Sports Development Office
‎
‎

Address

San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unified Youth San Joseño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share