10/05/2025
Huling Araw ng Kampanya -La Solid Tita Baby Galvez.
Mga mahal kong kababayan sa San Isidro,Ngayong huling araw ng kampanya, ako po ay taus-pusong lumalapit sa inyong lahat - humihingi ng inyong tiwala, suporta, at higit sa lahat, ng inyong boto.
Sa mga nakaraang linggo ng pangangampanya, damang-dama ko po ang init ng inyong pagtanggap, ang mga ngiting sumasalubong, at ang mga kamay na nag-abot ng pag-asa. Hindi po ito simpleng laban ng isang kandidato, ito po ay laban nating lahat para sa pagbabago, para sa malasakit, at para sa mas maayos na bukas para sa bawat pamilyang San Isidrohanon.Ako po ay hindi perpekto, pero tangan ko po ang isang pusong handang makinig, maglingkod, at kumilos para sa inyo.
Tayo po ay iisa lamang ang layunin ang tunay na serbisyo, ang pagtugon sa mga hinaing, at ang pag-angat ng buhay ng bawat isa.Kaya sa darating na halalan, muli ko po kayong hinihikayat: Suportahan natin ang isa’t isa.
Sama-sama tayong bumoto para sa lider na may puso, malasakit, at paninindigan.Tita Baby Galvez po, ang inyong kaagapay, kakampi, at tunay na lingkod.Para sa bayan. Para sa masa.
Para sa San Isidro.La Solid, Tita Baby!
#15 sa Balota