14/05/2026
๐๐๐๐+ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐๐ญ๐ฎ๐ฌ ๐ฆ๐จ!
Wala pang lunas ang HIV, PERO maaari itong makontrol sa pamamagitan ng gamutan.
Kapag iniinom ang gamot ayon sa reseta, ang dami ng HIV sa dugo (viral load) ay maaaring bumaba hanggang hindi na ito matukoy ng test. Ito ay tinatawag na โundetectable.โ
Kapag undetectable ang viral load, makakatulong ito upang mapanatili kang malusog at halos wala kang panganib na maipasa ang HIV sa iyong kapareha sa pakikipagtalik.
Mahalagang ipaalam sa iyong kapareha kung ikaw ay may HIV. Maaari ninyong pag-usapan ang paggamit ng condom, pag-inom ng gamot, at iba pang paraan ng pag-iwas upang makagawa ng tamang desisyon para sa inyong dalawa. Mahalaga ring makipag-ugnayan sa ibang taong may HIV, sumali sa mga support group, at alamin ang mga serbisyong makakatulong sa iyo upang magpagamot, manatiling nasa pangangalaga , at mamuhay nang maayos.
๐๐๐๐+ ๐๐ฏ๐ฐ๐ธ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐๐ต๐ข๐ต๐ถ๐ด ๐ช๐ด ๐ข๐ฏ ๐๐๐/๐๐๐๐ ๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ด ๐ค๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ช๐จ๐ฏ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ค๐ฆ๐ฑ๐ต๐ถ๐ข๐ญ๐ช๐ป๐ฆ๐ฅ ๐ฃ๐บ ๐๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ ๐๐๐๐ 202 โ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ช๐จ๐ฏ๐ด.