08/04/2025
Matagumpay na naisagawa ng La Union Vibrant Women Incorporated (LUVWI) ang ikalawang batch ng Sea Salt Training sa ilalim ng programang “Revitalization of Sea Salt-Making Industry in La Union using HDPE Platform” noong April 8, 2025, na ginanap sa Conference Room ng DMMMSU-NLUC-Fisheries Research and Training Institute, Paraoir, Balaoan, La Union.
Dinaluhan ito ng 30 LUVwees mula sa Balaoan, Tubao, San Fernando City, Bacnotan, at San Juan Chapters. Ang pagsasanay ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng DMMMSU-FRTI sa pangunguna nina Dr. Andie John D. Tadeo, Director ng DMMMSU-NLUC FRTI, at ng ating LUVWI Chairperson, Joy Ortega.
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng dagdag na kaalaman at alternatibong kabuhayan para sa mga kababaihan sa La Union, bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng organisasyon na magsulong ng sustainable livelihood programs para sa ating mga .