31/08/2026
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻. ✊🏻🇵🇭
Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, ating ginugunita ang araw ng mga tao na nag-alay at nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng ating bansa.
Ipinapaalala nito ang labis na pagmamahal ng mga Pilipino na bumuo ng ating kasaysayan. Ang kanilang tapang, paglilingkod, at pag-aalay ng buhay ang naging susi upang magkaroon ng patuloy na kabayanihan na nakikita natin ngayon sa ating bawat isa. Hindi lamang sa mga bayani na nagbuwis buhay para sa ating bayan, kundi maging sa mga ordinaryong Pilipino na gumagawa ng kabutihan at patuloy na nagsisilbi sa ating kapwa at bayan.
Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kabayanihang ipinakita at ipinaramdam sa atin ng mga bayani at patuloy rin na mabuhay ang diwa ng kapayaan at kalayaan ng ating bansa.
𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶! 🇵🇭🫡✨