La Union for Leni

La Union for Leni Grupo ng mga Ilokanong nagkakawanggawa para sa pinakamahusay na Presidential candidate, Leni Robredo.

Hindi sayang boto di tulad ng iba dyan di na pumapasok
10/04/2026

Hindi sayang boto di tulad ng iba dyan di na pumapasok

The top 3 most trusted Senators base on Publicus Asia's survey.



📷 DamdaminPH

07/04/2026
07/04/2026

NEWS UPDATE: Naga City Mayor Leni Robredo planong irealign ang ibang infrastructure fund at rice subsidy mula sa national budget papunta sa planong fuel subsidy sa mga jeepney drivers at riders sa lungsod.

Sa giniwang presscon kahapon ipinunto ng alkalde na may mga infrastructure projects anya na puedeng ipagpaliban muna kagaya ng pagpatayo ng warehouse na may budget na 16 milyon at sa rice subsidy naman na 30 milyon.

Naiintindihan diumano nya ang hirap na dinadanas ngayong ng mga tsuper sa mataas na presyo ng petrolyo.

Samantala dagdag pa ni Robredo posible anya bukas Abril 8, Miyerkules, maibigay na nila ang P5,000 fuel subsidy sa mga trisikel drivers at operators sa Naga mula sa DSWD.

02/04/2026

LENI SAYS CURRENT ISSUES 'MEANT TO HAPPEN,' CITES LONGSTANDING GOVERNANCE GAPS

Former Vice President and now Naga City Mayor Leni Robredo said recent national issues, including controversies surrounding flood control projects, stem from longstanding governance problems that have gone unaddressed over the years.

Speaking in a vlog interview with Bernadette Sembrano, Robredo said the situation was "meant to happen," pointing to a culture of tolerance for irregularities in government.

She stressed the need to fix leadership in Congress and improve systems across national government offices, emphasizing that policies must be in place to ensure public officials focus on delivering services rather than personal gain.

Robredo also noted that the issues being flagged today are not new. She recalled that during the administration of former President Benigno "Noynoy" Aquino III, dredging activities were halted after anomalies and alleged ghost projects were uncovered.

Drawing from her experience as vice chair of the House Committee on Good Government in 2013, Robredo said similar concerns had already been under investigation at the time.

She added that while the scale of the problem may have grown, the underlying practices have persisted over the years, underscoring the need for systemic reforms.

27/03/2026

Did you know?

Naga City has not just one, but two public city hospitals.

The first is Naga City Hospital along Peñafrancia Avenue. It started operating in 2010.

The second is Naga City General Hospital. It's modern, located in a different area, and opened in 2023.

Meanwhile, in Davao City, after 40 years of Duterte rule, groundbreaking for a new city hospital only happened in 2022. It was supposed to be finished by 2025, but until now, construction is not yet complete.

Davao City is a highly urbanized city. It gets a much bigger share of the national tax allotment. To give you an idea, Davao's city budget is roughly eight times larger than Naga's. In 2025 alone, Davao's NTA share reached a massive P10 billion, that's over five times Naga City's entire annual budget.

Despite having a much smaller budget, Naga was still able to build not just one, but two public city hospitals.

This is what leadership looks like. Even with a smaller budget, you can make things happen.

Malinis at Mahusay na pamamahala. 🌸

15/05/2025

PAKISABIHAN SI SASS: HINDI RA 9344 ANG PROBLEMA, KUNDI ANG PAGKAKALAT NG KABOBOHAN NA PINAPALABAS NA OPINYON

Kung may batang nangholdap gamit ang icepick, hindi totoo na “walang gagawin ang pulis.” Umpisa pa lang, kung walang ginawa ang pulis, kasalanan ito ng pulis — hindi ng batas ni Kiko. Hindi mo kailangang “magpasalamat kay Kiko,” gaya ng sablay na banat ni Sass Rogando Sasot. Kahit anong anggulo, mali ang intindi, mali ang banat, at masama ang epekto ng pinagsasabi niya.

RA 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act of 2006) ay hindi batas ng pagpapalusot. Hindi ito escape plan ng kabataan sa krimen. Isa itong makataong batas na nagsasabing oo, mananagot ang bata, pero sa paraang hindi sinisira ang kinabukasan habang itinutuwid ang pagkakamali.

LET’S BE CLEAR, SASS:

1. Kung below 15 years old ang bata:

* Oo, puwedeng arestuhin ng pulis.
* Hindi lang puwedeng ikulong kasama ng matatanda.
* Ililipat agad sa pangangalaga ng DSWD para sa intervention: counseling, education, rehabilitation.
* Kung heinous crime, puwedeng ilagay sa Bahay Pag-asa hanggang isang taon para sa intensive rehabilitation.
* Kaya saan banda ang “walang magagawa”?

2. Kung 15 to 18 years old at may discernment:

* Puwedeng kasuhan sa Family Court.
* Puwedeng i-detain sa youth facility habang nililitis.
* May due process. May parusa. May accountability.
* Hindi lusot. Hindi excuse. Hindi immunity.

3. Kung ginagamit ng sindikato ang bata:

* Ayon sa Section 20-C ng RA 10630, ang adult na gumagamit ng bata sa krimen ay papatawan ng maximum penalty.
* Ang batas ay hindi proteksyon ng sindikato. Pinalalakas pa nga ang laban sa kanila.

4. Ayon sa PNP at JJWC (2018–2023):

* CICL (Children in Conflict with the Law) ay mas mababa sa 2% ng lahat ng krimen sa bansa.
* 98 sa bawat 100 krimen ay gawa ng matatanda, hindi kabataan.
* Karamihan sa kabataan ay sangkot sa non-violent crimes tulad ng petty theft.
* Gutom, hindi kabalastugan, ang ugat ng karamihan sa kaso.

5. Supreme Court ruling (People v. CICL ###, 2023):

* Isang 17-year-old na may discernment ang nahatulang guilty sa homicide.
* Hindi pinalusot. Pinarusahan. Pero ginamit ang youth facility, hindi Bilibid.
* Tamang hustisya ang naipatupad: makatao, makatarungan, epektibo.

6. Ayon sa DSWD at JJWC:

* Ang pagiging exempt sa criminal liability ay hindi exemption sa responsibilidad.
* May civil liability. May intervention. May counseling. May restitution sa biktima.
* Ang proseso ay hindi shortcut. Ito ay rehabilitasyon.

7. International standards:

* Sa Japan at Germany, 14 ang minimum age of criminal responsibility.
* Sa New Zealand, halos lahat ng under 14 ay hindi maaaring kasuhan maliban sa pinaka-matinding krimen.
* Sa Pilipinas, 15. Mas mataas. Ayon sa UN standards, hindi ito pabaya. Ito ay progresibo.

At higit sa lahat, gumagana ang batas. Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council, bumaba ang bilang ng Children in Conflict with the Law mula 8,653 noong 2012 tungong 5,744 noong 2018. Mas mababa pa ito sa kasagsagan ng pandemic kung kailan lumabas sa PNP data na halos 70% ng CICL cases ay non-violent offenses, at karamihan ay naresolba sa pamamagitan ng diversion at rehabilitasyon. Ayon din sa JJWC, 85% ng mga batang sumailalim sa intervention programs ay hindi na bumalik sa krimen. Ang ibig sabihin: hindi lang ito batas na makatao — ito ay batas na epektibo.

NOW LET’S TALK ABOUT YOU, SASS.

Ang problema ay hindi RA 9344. Ang problema ay mga tulad mong may malaking platform pero kulang sa pananaliksik. Sa halip na magpaliwanag, nagpapalaganap ka ng takot. Sa halip na magturo, nagiging daluyan ka ng galit at maling impormasyon.

At mas malala, ginagamit mo ang trauma ng biktima para lang manira ng pulitiko.

Ginamit mo ang linyang “minor with icepick” para mag-trending. Pero hindi ka nagbigay ng solusyon. Hindi mo rin binanggit ang buong batas. Hindi mo binigyang boses ang mga batang biktima ng kahirapan, ng kapabayaan, ng sistemang bulok.

Kung may batang nangholdap, ang tanong ay:

* Sino ang nagturo sa kanya ng tama?
* Nasaan ang mga magulang niya?
* Bakit sa halip na nasa eskwela, nasa kalye siya?

Ang gusto mong palitan ay batas, pero ang hindi mo naiintindihan ay sistema ang ugat ng problema. Hindi batas ang sablay, kundi ang lipunang iniiwan ang mga bata sa likod.

PAANO NAMAN ANG MGA BIKTIMA?

Restorative justice ang puso ng RA 9344.
May pagkilala sa pinsala ng biktima. May proseso para sa accountability at reparasyon. Hindi ito palusot. Ito ay hustisyang hindi gumagawa ng panibagong kriminal mula sa batang dating biktima rin.

Kung tunay kang may malasakit, Sass, ito dapat ang tinatanong mo:

* Bakit hindi kompleto ang Bahay Pag-asa sa mga LGU?
* Bakit wala pa ring sapat na social workers at psychologists sa maraming bayan?
* Bakit hinahayaan ng pamahalaan na gamitin ng sindikato ang mga bata?
* At higit sa lahat: anong sistema ang nagtulak sa bata para humawak ng icepick?

Pero hindi mo ‘yan tinanong. Ang tanong mo lang ay “Salamat, Kiko?”

LINAWIN NATIN:

RA 9344 is not a loophole. It is a lifeline.
It does not promote impunity. It prevents permanent damage sa bata, sa biktima, at sa lipunan.

Ang batas ay may suporta ng:

* DSWD, na tumutulong sa rehabilitasyon ng mga CICL.
* JJWC, na nagpapatupad ng diversion at accountability frameworks.
* DOJ, na tumutok sa mabilis na prosecution ng minors with discernment.
* Supreme Court, na nagpapatunay na may pananagutan ang CICL sa tamang konteksto.
* UNICEF at UNCRC, na nagsasabing ang minimum age of criminal responsibility ay dapat hindi bababa ng 14. Sa Pilipinas, ito ay 15.

Sa madaling sabi: hindi masyadong maluwag ang batas. Masyado lang maluwag ang pagsasalita ng ilan na walang hawak na tamang datos.

FINAL WORDS FOR THE MISLEADER:

Ang tunay na banta sa lipunan ay hindi batang may icepick.
Ang tunay na banta ay ang taong may platform, may audience, pero walang paggalang sa katotohanan.

Ang batas na may malasakit, binabagsak mo para lang makagawa ng meme.
Ang sistemang dapat pinapabuti, ginagamit mo bilang content for engagement.

Hindi "Thank Kiko" ang dapat naming sabihin.
Ang dapat ay:

Shame on you, Sass. Sa pagbaluktot ng batas, sa paggamit ng trauma para sa sariling brand, at sa pagkalat ng takot na walang ugat sa katotohanan.

At sa mga naniniwala sa kanya:
Walang masama sa pagdududa. Pero tanungin mo rin: ang galit ba ay mula sa ebidensya, o gawa-gawa lang ng mga influencer na mas takot mawalan ng views kaysa mawalan ng integridad?

RA 9344 is not the enemy. Misinformation is.

At habang ang iba ay abala sa pagpapakaba ng taumbayan,
may mga batang pinapanday ang pag-asa sa Bahay Pag-asa.
Sila ay mga kabataang kaya pang ituwid. Ang mas malaking krimen ay ang sadyang pagsisinungaling para manira.

Sa susunod, piliin mong magsaliksik kaysa manakot.
Piliin mong magpaliwanag kaysa manira.
At kung ang tanging ambag mo ay takot, piliin mong manahimik.



Support your favorite unpaid troll-slayer. Your donation helps fight misinformation and fuels my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr

07/05/2025
❤️
09/04/2025

❤️

Baguio City Mayor Benjamin Magalong campaigns for Kiko Pangilinan and Bam Aquino. 🇵🇭

Para sa Senado:
🕳️5. AQUINO, BAM (KNP)
🕳️51. PANGILINAN, KIKO (LP)

Maraming salamat, Mayor Benjie!

02/04/2025
🔥🔥
27/03/2025

🔥🔥

Manifesting 2028 🌸✨

Address

San Fernando
2500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Union for Leni posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share