12/10/2026
๐ October 12, 2026
๐ SCHOOL SAFETY WEEK & SOLGA | DON CARLOS SCHOOL
Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay mahalaga, kaya naman bilang bahagi ng pagdiriwang ng School Safety Week, nagsagawa ang Don Carlos School ng isang gawain upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kaligtasan sa loob at labas ng paaralan.
Sa gawaing ito, bumisita ang ating mga kapulisan upang magbigay ng mahahalagang paalala at kaalaman tungkol sa pagiging ligtas, maingat, at responsable sa araw-araw. Nagbahagi sila ng mga dapat gawin upang maiwasan ang mga panganib at kung paano kumilos nang tama sa oras ng pangangailangan.
Kasama rin sa gawaing ito ang pagtalakay tungkol sa SOLGA, kung saan naipaalam sa mga mag-aaral ang mga naging proyekto, gawain, at programa ng SSLG. Layunin nito na maipakita sa mga mag-aaral ang mga nagawa ng kanilang mga student leader at ang mga pagsisikap ng SSLG para sa ikabubuti ng paaralan. Sa pamamagitan nito, mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga layunin ng bawat proyekto at kung paano ito nakatutulong sa kanila at sa buong paaralan. Isa rin itong paraan upang maging bukas ang SSLG sa mga mag-aaral at maipakita ang kahalagahan ng pagiging tapat, responsable, at handang maglingkod sa kapwa.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga kapulisan na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang gabayan ang ating mga mag-aaral. Maraming salamat din sa lahat ng tumulong at nakibahagi upang maging maayos at makabuluhan ang gawaing ito. ๐ซถ๐ป
Sama-sama para sa ligtas na paaralan, ligtas na mag-aaral, at ligtas na pamayanan !!!
๐ธ: Sir Alvin Zeus Magro | SSLG PDO
โ๐ป: Brent Franz Romano | PIO