One San Felipe Resort Owners Association

One San Felipe Resort Owners Association Resort Owners Association

Unity brings out the best in the community... Kudos to us—we made it happen! 👏
07/04/2026

Unity brings out the best in the community... Kudos to us—we made it happen! 👏

OSFROA TRICK OR TREAT 2025
30/10/2025

OSFROA TRICK OR TREAT 2025

28/10/2025
WARNING‼️ PLEASE BE AWARE! Ingat po sa lahat!
14/03/2025

WARNING‼️ PLEASE BE AWARE! Ingat po sa lahat!

⚠️ JELLYFISH WARNING ⚠️
Mayroon pong namataang maraming dikya sa baybayin ng San Felipe ngayong Marso 14, 2025. Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at iwasang lumangoy sa apektadong bahagi ng dagat upang maiwasan ang posibleng panganib.

Para sa inyong kaligtasan, agad na makipag-ugnayan sa MDRRMO o sa inyong barangay kung may emergency.

Maging Handa at Alerto para Ready Tayo!

Ang ating magigiting na OSFROA Lifeguards na laging maaasahan as participants sa LGU beach clean up. Mabuhay kayo!
28/02/2025

Ang ating magigiting na OSFROA Lifeguards na laging maaasahan as participants sa LGU beach clean up. Mabuhay kayo!

15/11/2024

Paalala para sa mga Beach Resort Establishments Hinggil sa Bagyong Pepito

Magandang gabi po,

Pinapaalalahanan ang lahat ng beach resort establishments hinggil sa paparating na bagyong Pepito ngayong darating na Linggo. Kaugnay nito, nais po naming ipaabot ang kahalagahan ng maagang pag-aksyon upang masiguro ang kaligtasan ng inyong mga bisita at empleyado.

Lubos naming hinihikayat na ipagbigay-alam sa inyong mga bisita na dapat nilang isaalang-alang ang pagpapaliban ng kanilang biyahe o pagbisita sa inyong mga resort. Unahin po natin ang kaligtasan sa panahon ng hindi magandang lagay ng panahon na maaaring magdala ng panganib sa ating lahat.

Nais rin naming ipabatid na sa Linggo, itataas ang red flag sa ating mga baybayin. Ang ibig sabihin nito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagligo o anumang aktibidad sa dagat. Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating safety protocols upang maiwasan ang anumang sakuna dulot ng malalakas na alon, hangin, at masamang lagay ng panahon.

Mahigpit po naming ipinaaalala ang inyong pakikiisa at kooperasyon sa mga tagubiling ito. Hinihikayat din namin ang inyong pagtulong sa pagpapalaganap ng impormasyon sa inyong mga bisita, pati na rin sa inyong mga kaibigan at pamilya, upang mas maraming tao ang maging handa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta. Sama-sama po tayong maging ligtas at handa sa anumang hamon na dulot ng bagyong Pepito.

-Office of the Mayor
Municipality of San Felipe Zambales

11/07/2024

A GENTLE REMINDER:

May mga nagmemessage po sa aming page ng mga unfortunate incidents na nirereport sa amin ng mga guests. Pero sa kasamaang palad hindi po namin mga myembro ang mga sinabing resorts.

Ang aming asosasyon po ang may tinatawag na RESORT STANDARDS na may kasamang RULES AND REGULATIONS na pinapatupad po ng ONE SAN FELIPE RESORT OWNERS ASSOCIATION (OSFROA) kasama ng ating Barangay at ng ating Local Government Unit.

PAALALA lamang po!
Mag BOOK at mag VERIFY sa mga resorts na MYEMBRO lamang ng aming asosasyon makaka asa kayo ng assistance at sigurado po na maaaksyunan ng asosasyon at ng barangay. Humingi po tayo ng MEMBERS CERTIFICATE and BUSINESS PERMIT to verify may mga dry seal po ang mga certificates na yan ibig sabihin verified and active members po yan. Make sure lang po na up to date ang mga certificates. Karapatan po natin ito.

Muli mag iingat po ang lahat sa mga scammers at mga resorts na walang PERMITS!

Address

Sto. Nino
San Felipe
2204

Telephone

+639189912079

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One San Felipe Resort Owners Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share