ZamBagani

ZamBagani ZamBagani, a localized coalition network of "Bagani: Makabagong Bayani ng Gitnang Luzon”

Ang ZAMBAGANI: Makabagong Bayani ng Zambales ay binubuo ng mga kabataan volunteer na nagmula sa ibat-ibang mga adbokasiya at organisasyon sa probinsiya ng Zambales. Ito ay nabuo mula sa isinagawang programa at pagsasanay para sa mga kabataan ng YouthLed-Central Luzon sa tulong ng USAID at The Asia Foundation noong Hulyo 27-29, 2022. Layunin ng grupo na maging parte sa pagtugon sa mga mahahalagang

isyu ng bayan na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, agrikultura at seguridad sa pagkain. Maliban dito, nais din ng grupo na maitaas ang antas ng kamalayan at pakikilahok ng mga kapwa kabataan sa usaping politikal at gawaing sibil na nakatutulong at nakakaapekto sa pagunlad ng ating probinsiya at buhay ng mga tao. Ang pagpapatuloy sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng mga nabuong youth coalitions ay isang napakahalagang hakbangin para sa pag-abot at paghubog ng iba pang mga kabataan na may natatanging puso at kakayahan sa paglilingkod para sa kanilang mga kaniya-kaniyang komunidad at buong probinsiya ng Zambales.

Address

Zambales
San Felipe

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ZamBagani posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ZamBagani:

Share