07/08/2026
Magandang hapon, mga magulang, volunteers, at mga mag-aaral.
Dahil sa patuloy na masamang panahon at para sa kaligtasan ng lahat, kanselado po ang ating Project GABAY Week 4 bukas, August 8.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Maghihintay na lamang po tayo ng susunod na anunsyo hinggil sa magiging bagong iskedyul ng ating sesyon.
Magkita-kita po tayo sa susunod na linggo para sa isa na namang makabuluhang pagkatuto!