06/04/2025
Ngayong darating na Mayo, sama-sama nating itaguyod ang tapat na serbisyo! Iboto si Maya Bongco bilang Board Member ng Unang Distrito ng Bataan.
Numero UNO sa balota — Board Member Maya Bautista Bongco para sa Unang Distrito ng Bataan!
Sa aking mga kababayan sa Unang Distrito ng Bataan, ako po ay humihiling ng inyong suporta upang maglingkod bilang Board Member ng ating lalawigan.
Naniniwala ako na ang isang tunay na lingkod-bayan ay hindi lamang dapat may kakayahan, kundi dapat may malasakit at paninindigan din para sa tunay na pagbabago. Sa panahon ngayon, higit nating kailangan ang lider na may maayos na pag-unawa sa pamamahala, matibay na prinsipyo, at tapat na hangaring mapabuti ang buhay ng bawat isa.
Taglay ang tamang kaalaman at malalim na dedikasyon sa pagsulong ng mga adbokasiyang may konkretong epekto sa ating lipunan, nais kong ipagpatuloy ang serbisyong nakasentro sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang mabuting pamamahala ay hindi lamang tungkol sa posisyon—ito ay tungkol sa paglilingkod nang may malasakit, integridad, at pananagutan.