01/09/2026
Isang malaking pagpupugay at pagbati sa ating Bayan ng Saguday! ๐๐
โLubos nating ipinagmamalaki ang tagumpay ng Municipality of Saguday matapos makamit ang 98.11% sa ginanap na MR SIA Vaccination 2026! Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating pagkakaisa at dedikasyon para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak laban sa Measles at Rubella. ๐๐ก๏ธ
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang ating mga bayani ng kalusugan at pamayanan. Taos-pusong pasasalamat at pagkilala ang ating ipinaabot sa pangunguna nina Dr. Angeline Louise Villar at Dr. Katrina Llapitan, kasama ang ating masisipag na Human Resources for Health (HRH) sa bawat barangay at mga RHU personnel na walang sawang naglingkod at nag-ikot upang maghatid ng proteksyon.
Ganundin sa ating butihing Punong Bayan, Hon. Jerry M. Pagbilao, at sa buong Lokal na Pamahalaan para sa kanilang walang humpay na suporta at pamumuno sa mga programang pangkalusugan.
Saludo rin tayo sa ating mga masisipag na Barangay Captains, Barangay Kagawad, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers (BHW) na naging katuwang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pag-aassist para sa maayos na programa.
At higit sa lahat, sa ating mga mapagkalingang magulang, maraming salamat sa inyong buong-pusong tiwala at pakikipagtulungan sa pagpiling protektahan ang inyong mga anak sa pamamagitan ng Measles-Rubella Vaccine.
โDahil sa ating sama-samang pagkilos, mas ligtas at higit na protektado ang kinabukasan ng ating mga chikiting! Isang dakilang tagumpay para sa BAYANG MAHUSAY! ๐๐
Photo credit: DOH Cagayan Valley
https://www.facebook.com/share/18T8YUw9XF/
โ