02/09/2026
SNHS School- Based Press Conference, Umarangkada
Pormal nang sinimulan ngayong Setyembre 2, 2026 ang JOURNIFY Initiative 2026: Sagay National High School Press Conference, na nilahukan ng mga piling mamahayag ng Ang Sigay at The Shell Publication.
Tampok sa unang araw ang serye ng mga lecture, workshop, at pagsasanay na naglalayong higit na malinang ang kasanayan ng mga batang mamamahayag sa iba’t ibang larangan ng campus journalism.
Taos-pusong pasasalamat nina Rene Jun A. Gasper at Mary Jane A. Manglar mga tagapayo ng Ang Sigay at Ian Kristoffer Serias, tagapayo ng The Shell sa mga sumusunod na resource speakers na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at talento para sa paghubog ng mga batang mamamahayag:
JESSIE J. SOBERANO – Resource Speaker, Photojournalism
JAYSON ELEDIA – Resource Speaker, Editorial Cartooning
RAFFY A. DAWA – Resource Speaker, Radio Script Writing & Broadcasting
RALPH ARIBATO – Resource Speaker, Editorial and Column Writing
SHERWIN FRENCH ANSON – Resource Speaker, Feature Writing
MAIKA JEANE M. TAYACTAC – Resource Speaker, News Writing
MAIKA JEANE M. TAYACTAC – Resource Speaker, Copy Editing and Headline Writing
CRISTELLE HELLA APOSAGA – Resource Speaker, Newsletter Graphics Layouting
Lubos din ang pasasalamat sa School Principal Jerson F. Donasco sa kanyang pamumuno at patuloy na pagbibigay ng suporta sa pagpapaunlad ng campus journalism sa Sagay National High School.
Kinikilala rin ang mahalagang suporta nina Administrative Officer IV-Andajade Vidal, Department Head in English Cecille Y. Duran, at Department Head in Filipino Jonnah A. Garganera sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Gayundin, ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat kay PSDS Richard T. Rubin, District 2, sa kanyang patuloy na suporta at pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga batang mamamahayag.
Sa unang araw pa lamang, ipinakita na ng JOURNIFY 2026 na ang campus journalism ay hindi lamang tungkol sa pagsusulat at pag-uulat. Ito ay tungkol sa katotohanan, pananagutan, pagkamalikhain, at higit sa lahat pusong handang maglingkod.
Kuhang larawan nina: Rene Jun Gasper at Ian Kristoffer Serias