10/01/2026
Do the right thing because that is the right thing to do"
Tumataas ang kaso ng transmitted na mga sakit.
At may role ang ma*****na jan to prevent and cure.
MAY HIV SA BANSA, UMABOT NA NG LAGPAS 200K
80% ng mga may HIV ngayon ay mula sa unprotected na pagtata***, pero bakit ka nga naman makikipag-ganun sa madaming tao kung may partner ka na, bakit kailangan iba-iba?
Isa pa sa natitirang pursyento ng mga nagpositibo ay mga sanggol na nagka-HIV dahil sa gatas ng inang infected ng virus, maaari ding makahawa ang nagbubuntis na ina na positibo sa virus at maging ang kanyang isisilang pa lamang na anak ay magiging positibo na.
Ganoon din ang 'di sinasadyang matusok ng mga 'gamit na' na injection o anumang matutulis na nakatusok o nagamit na ng isang carrier ng virus, panghihiram ng mga pangbakuna sa ibang tao o ang masalinan ng dugong may HIV dahil sa kapabayaan.
As of January 2025, total of na 200,123 infected na ng virus ang naitala, hindi pa kasama ang mga takot magpakunsulta at mga nagkatulo na, na isang kritikal na kondisyon para mas mahawa sa susunod na pagkikipagta***.
Ang HIV (The human immunodeficiency virus) ay kundisyon kung saan pinahihina nito ang lakas o shield ng ating katawan laban sa anumang sakit, target nito ang ating immune system, kadalasan napapahaba pa rin naman ang buhay ng taong may HIV dahil sa mga makabagong gamot, ngunit once na napabayaan mo ang iyong katawan, sunod-sunod na ang sakit na papasok sa'yo na hahantong sa huling yugto ng HIV bilang 'AIDS'.
Unang naitala sa kasaysayan ang nahawa ng virus na ito sa Democratic Republic of the Congo noong 1959. Hindi pa rin malinaw o klaro kung paano napunta o naisalin eksakto ang virus na ito sa tao kung ang carrier lamang nito noon ay mga Chimpanzee (uri ng unggoy) sa Southeastern Cameroon sa Aprika.
Kung mayroon mang hiling kami ay mapakita na ang cannabis ang sulosyon sa sakit na ito na nagpapahirap sa 39.9 milyung kataong may HIV sa buong mundo.