Ps. Samson Baclawman

Ps. Samson  Baclawman Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ps. Samson Baclawman, Nonprofit Organization, Amnay Pag asa Sablayan Occidental Mindoro, Sablayan.

Please Subscribe and follow My Page Young,Pastor.https://www.facebook.com/profile.php?id=61584041645269
Thank you so much Lord 🙏🙏
👆👆👆 Click here link then follow me.

Hindi lahat ng sumisira sa ministry ay galing sa labas.Minsan…Nagsisimula ito sa loob.Hindi sa maling programa.Hindi sa ...
18/08/2026

Hindi lahat ng sumisira sa ministry ay galing sa labas.

Minsan…
Nagsisimula ito sa loob.

Hindi sa maling programa.
Hindi sa kakulangan ng budget.

Kundi sa maliliit na ugaling pinababayaan ng leader.

At ang nakakalungkot…
Hindi ito agad napapansin.

Parang anay.

Tahimik.
Pero unti-unti nang kinakain ang pundasyon.

Kaya kung leader ka, hayaan mong suriin tayo ng Salita ng Diyos.

Check this out Leaders 😇

⚠️ 1. Mas mahalaga sa kanya na laging tama kaysa makinig.

May mga leader na kapag may suggestion…

Automatic ang sagot:
“Hindi puwede.”

Kapag may correction…
“Matagal na akong leader, alam ko na ’yan.” 😅

Pero tandaan…
Ang leader na tumitigil matuto, unti-unti ring tumitigil lumago.

Hindi nakakabawas ng awtoridad ang pakikinig.

Sa katunayan, lalo kang iginagalang kapag marunong kang makinig.

⚠️ 2. Mas pinapahalagahan niya ang ministry kaysa sa mga tao.

Kapag may event…
✅Kumpleto ang checklist.
✅Kumpleto ang decorations.
✅Kumpleto ang programa.

Pero may volunteer na palang umiiyak…
Hindi man lang napansin.

Minsan sobrang focus tayo sa gawain…
Nakakalimutan natin ang dahilan kung bakit may gawain.

Ang ministry ay para sa tao—hindi ang tao para sa ministry.

Kung maayos ang programa pero wasak ang mga taong kasama mo…

May mali sa paraan ng pamumuno.

⚠️ 3. Hindi siya marunong magpatawad.

Kapag may nagkamali…
Habambuhay nang may label.

“Siya? Naku, dati ’yan…”

Parang may lifetime subscription sa pagkakamali. 😅

Pero isipin mo…
Kung ganoon ang trato ni Jesus sa atin…
May pag-asa pa kaya tayo?

Ang tunay na leader ay marunong magtuwid.

Pero marunong din siyang magpatawad at magbigay ng panibagong pagkakataon.

⚠️ 4. Kinukumpara ang ministry niya sa ministry ng iba.

“Bakit mas marami silang attendees?”

“Bakit mas mabilis lumago ang group nila?”

Unti-unting nawawala ang kagalakan.
Dahil ang mata ay nakatingin na sa ibang bukid.

Tandaan…
Comparison steals joy.

Hindi ka tinawag ng Diyos para kopyahin ang assignment ng iba.

Tinawag ka Niyang maging tapat sa assignment mo.

⚠️ 5. Nakakalimutan niyang si Cristo ang tunay na Ulo ng ministry.

Ito ang pinakamapanganib.
Kapag dumating sa puntong iniisip mong…

“Kapag wala ako, babagsak ang ministry.”

Baka nakalimutan mo na, kung kanino talaga ito.

Ang simbahan ay hindi itinayo sa pangalan ng pastor.
Hindi sa pangalan ng cell leader.
Hindi sa pangalan ng ministry head.

Itinayo ito kay Cristo.

Privilege nating maglingkod.
Hindi tayo ang Tagapagligtas.

Kundi si JESUS.

“Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain.” — Psalm 127:1

Kung may ministry kang ipinagkatiwala ng Diyos…
Alagaan mo ito.

Pero higit sa lahat…
Alagaan mo ang puso mo.

Dahil ang pinakamalaking banta sa ministry ay hindi palaging pag-uusig mula sa labas.

Minsan…

Ito ay pusong unti-unti nang lumalayo sa Diyos habang abala sa paggawa para sa Diyos.

Kaya bago natin ayusin ang programa…
Hayaan muna nating ayusin ng Diyos ang ating puso.

Dahil ang ministry na may tamang puso ay maaaring dumaan sa maraming pagsubok…

Pero hinding-hindi ito mawawalan ng direksiyon, sapagkat si Cristo ang nananatiling sentro ng lahat. ❤️

- Ps Samson Baclawman

18/08/2026

Shout out sa aking mga pinakabagong follower! Excited na akong makasama kayo onboard! Tucay Casulyabo Calas, DJey Dañopoc, Ikbal Khan, Jayson Ligon, M Zahoor, Krishnandan Thakur

"Pag Apaw ng baha sa Tulay "Nakadaan kana ba dito sa mahabang Tulay.?, Dahil sa patuloy na pag ulan at sunod-sunod na ba...
18/08/2026

"Pag Apaw ng baha sa Tulay "

Nakadaan kana ba dito sa mahabang Tulay.?, Dahil sa patuloy na pag ulan at sunod-sunod na bagyong Nararanasan natin.

Makikita nating halos lumubog na ang ating mahabang Tulay Dito Sa Occidental Mindoro.

✍️Amnay, Pag asa, Sablayan, Occidental Mindoro.
🧭 Agosto 18/2026 Araw ng Martes.

Patuloy nating Ipanalangin ang kaayusan ng ating Panahon
At Samahan tayo ng ating Panginoon. Saan man tayo ngayon naroroon.

Sa bawa't Sulok ng ating bansa, na nakakaranas ng ganitong mga Sitwasyon , Mangyaring mag ingat at Patuloy nating ipagkatiwala sa ating Panginoon.

God bless US 🙏🙏🙏🙏

Happy Sunday everyone mga kapatid ko sa Panginoon. Saan mang sulok ng mundo, Tuloy tuloy ang Reach out sa mga kapatiran ...
17/08/2026

Happy Sunday everyone mga kapatid ko sa Panginoon.
Saan mang sulok ng mundo,
Tuloy tuloy ang Reach out sa mga kapatiran natin na uhaw at Gutom sa Presensya ni Lord 🙏🙏.

Isang kabataang Pastor na nag hahangad na maabot ang bawa't sulok, Na nangangailangan ng Salita ng Diyos at ipadama sa kanilang mahal sila ng ating Panginoon.





.

Praise God 🙏🙏
- Ps Samson Baclawman.

ANG PASTOR ANG PINAKAMALAKING HADLANG SA PAGLAGO.”Bilang mga Pastor, ito ang isang bagay na minsan ay hindi natin namama...
17/08/2026

ANG PASTOR ANG PINAKAMALAKING HADLANG SA PAGLAGO.”

Bilang mga Pastor, ito ang isang bagay na minsan ay hindi natin namamalayan sa ating mga simbahan.

Simple checking tayo, mga Pastor.

Hindi ito para manisi.
Ito ay para suriin muna natin ang sarili natin bago natin sisihin ang church.

1. Gusto nating maging punctual ang mga members natin.
Pero kumusta ang punctuality natin?

Gusto nating maaga sila sa church at sa ministry, pero kapag may meeting ng Body of Christ, late rin naman tayo.

Paano natin hihingin sa kanila ang standard na hindi natin kayang ipakita?

2. Gusto nating maayos at tahimik ang loob ng church.
Pero kumusta naman tayo kapag Pastor’s meeting?

Minsan, tayo rin ang maingay sa likuran—
kainan, kwentuhan, tawanan, at kung anu-ano pa.

We cannot demand a culture that we are unwilling to model.

3. Gusto nating lumago ang church.
Pero ikaw ba mismo ay may dini-disciples?

May personal ka bang inuupuan?
May taong regular mong kinakausap?
May taong tinuturuan mong sumunod kay Cristo?

Hindi sapat na marami kang tinuturuan sa pulpito kung wala kang ini-investan nang personal.

4. Gusto nating dumami at lumakas ang kabataan sa church.

Pero gaano kalaki ang suporta natin sa Youth Department?

May budget ba?
May leaders ba?
May mentoring ba?
May oras ba tayo para sa kanila?

Minsan gusto natin ang bunga ng youth ministry pero ayaw nating paglaanan ng investment ang proseso.

5. Gusto nating maging malalim sa pananampalataya ang buong church.

Pero nakikita ba nila ang prayer life natin?

Nakikita ba nila na naghahanap tayo sa presensya ng Diyos?

O mas madalas nilang nakikitang babad tayo sa social media kaysa sa presensya ng Diyos?

Isang sekreto ang natutunan ko:

Ang paglago ng isang local church ay may malaking kinalaman sa paglago ng tagapanguna nito.

The church will often follow what the leader consistently models.

Kung gusto kong maging prayerful ang church, dapat prayerful muna ako.

Kung gusto kong maging punctual sila, dapat punctual muna ako.

Kung gusto kong maging disciple-makers sila, dapat may dini-disciples muna ako.

Kung gusto kong maging hungry sila for God, dapat makita muna nila ang hunger ko sa Diyos.

Kung gusto kong lumago ang church,
dapat handa rin akong lumago.

At hindi ako exempted dito.
Nakita ko rin mismo ito sa sarili ko.

Kaya bago ko tanungin,
“Bakit hindi lumalago ang church?”

Kailangan ko munang itanong:

“Ako ba mismo ay lumalago?”

Dahil ang isang leader na tumitigil lumago ay maaaring maging ceiling ng church na kanyang pinamumunuan.

Kung gusto kong lumago ang simbahang ipinagkatiwala sa akin ng Diyos, dapat ako muna ang lumago—sa character, sa leadership, sa discipleship, at higit sa lahat, sa presensya ng Diyos.

Pastor, bago natin ayusin ang church,
baka panahon nang hayaan muna nating ayusin tayo ni Lord.

Kaya kailangan namin ang panalangin ninyo mga kapatid!
Ito ang dahilan para ipagpray ang Pastor ninyo.

Tulungan sila, hindi pagtulungan. 🫶🏾

Nagmamahal,
- Ps Samson Baclawman

BAKIT KAILANGANG IPAGPAALAM SA PASTOR KAPAG HINDI KA MAKAKADALO?May nagtatanong, "Bakit kailangan pang sabihin sa pastor...
17/08/2026

BAKIT KAILANGANG IPAGPAALAM SA PASTOR KAPAG HINDI KA MAKAKADALO?

May nagtatanong, "Bakit kailangan pang sabihin sa pastor kung hindi ako makakadalo?" Kung seryoso ang tanong na iyan, pag-isipan natin ito.

▪️Kapag hindi ka makakasali sa laro, hindi mo ba sasabihan ang coach mo?
▪️Kapag hindi ka papasok sa trabaho, hindi mo ba tatawagan ang employer mo?
▪️Kapag naghanda ang asawa mo ng hapunan buong hapon, hindi mo ba siya sasabihan kung hindi ka makakauwi?
▪️Kapag may usapan kayong magkaibigan na magbisikleta o magmotor, hindi mo ba sila aabisuhan kung hindi ka makakasama?
▪️Kapag may hotel o flight booking ka, hindi mo ba kina-cancel kung hindi ka tutuloy?

Kung ganoon ang ginagawa natin sa ibang bagay, bakit hindi natin maipakita ang parehong paggalang sa ating church family?
Bilang miyembro ng isang iglesia, may inaasahan na magiging bahagi ka ng pagtitipon ng katawan ni Cristo.

At bilang isang pastor, hayaan mong ibahagi ko ang isang pananaw.
✅ Buong linggo kang ipinapanalangin ng pastor mo kasama ang iyong pamilya.
✅ Nag-aaral siya ng Salita ng Diyos at naghahanda ng mensahe upang mapakain ang iyong kaluluwa.
✅ Siya ay itinalaga ng Espiritu Santo bilang tagapangasiwa ng kawan.
✅ Isang araw, magbibigay siya ng pagsusulit sa Diyos tungkol sa pangangalaga niya sa mga kaluluwa. (Hebrews 13:17)
✅ Tinawag siya ng Diyos upang turuan, palakasin, at ihanda ang mga mananampalataya.
✅ Mahal ka niya at ang iyong pamilya nang higit pa kaysa sa iniisip mo.

Kaya ang simpleng pagte-text o pagsasabi na hindi ka makakadalo ay isang maliit na paraan ng pagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa kanyang pagmamahal at pag-aalaga.

Kapag bigla ka na lamang hindi dumating, maraming tanong ang pumapasok sa isip ng isang pastor:
❓May sakit kaya sila?
❓May sama ba sila ng loob?
❓Umalis na ba sila sa church?
❓May nasabi ba akong nakasakit sa kanila?

Ang mga tanong na ito ay nagdadala ng pag-aalala at pag-aasikaso, lalo na kung tunay na nagmamalasakit ang pastor sa kanyang kawan.
Sa totoo lang, isang simpleng text message lang ang makakapagbigay ng kapanatagan at makakaiwas sa kalituhan.
Hindi ito tungkol sa kontrol.
Hindi ito tungkol sa pagre-report.
Ito ay tungkol sa accountability, respect, at pagmamalasakit sa katawan ni Cristo.

📌Sabi ng 1 Corinthians 12:25-27:
"That there should be no schism in the body; but that the members should have the same care one for another... Now ye are the body of Christ, and members in particular."

📌Bilang bahagi ng katawan ni Cristo, ang bawat isa ay mahalaga. Kapag may isang miyembro na nawawala, natural lamang na mapansin at mag-alala ang buong katawan.

Kaya naman, kung hindi ka makakadalo, ang isang simpleng mensahe na, "Pastor, hindi po kami makakadalo ngayon dahil may sakit po si Nanay. Please pray for us," ay malaking bagay na.
Hindi ito sapilitan.
Hindi ito pagiging sunud-sunuran.
Ito ay simpleng pagpapakita ng paggalang, pagmamahal, at pagkilala na tayo ay bahagi ng iisang pamilya sa Panginoon.



- Ps Samson Baclawman

"Tema" Mahalagang Tanggapin natin ang katotohanan, Gamitin natin sa pakikipaglaban."Text 2" Efeso 4:24Gamitin natin ang ...
16/08/2026

"Tema" Mahalagang Tanggapin natin ang katotohanan, Gamitin natin sa pakikipaglaban.

"Text 2" Efeso 4:24

Gamitin natin ang Katotohanan sa Pakikipaglaban sa Mundong ito bilang Depensa kay satan.> Efeso 6:14

Tatlong Epikto, sa mga taong ayaw tumanggap ng katotohanan.

1) Gagamit Si Satan ng mga uri ng Pandaraya upang Linlangin Ka upang Mapahamak. >2Tesalonica 2:10, 2 Timoteo 4:4

2) Hahayaan Ka ng Diyos na mapahamak dahil sa hindi mo tinatanggap ang katotohanan.> 2 Tesalonica 2:11

3) Mapaparusahan ang lahat ng ayaw tumanggap sa katotohanan .> 2 Tesalonica 2:12

Dahil kung Sinasabi mong Nakikilala mo ang ating Panginoon, Ngunit hindi ka Sumusunod kanya.?>1 Juan 2:4

Sino nga ba ang katotohanan na dapat nating Tanggapin.? 1 Juan 5:6

" CONCLUSION"
Napakahalagang tanggapin natin ang Katotohanan. Upang maging makabuluhan ang ating Paglilingkod sa Panginoon mga kapatid. Upang Hindi masayang ang Dugo na pinambili sa atin mula Talamak nating kasalanan.
Dahil ang katotohanan lamang ang kayang magpalaya sa atin, Mula sa kasalanan.


- Ps Samson Baclawman.

Hindi lahat ng sumisira sa ministry ay galing sa labas.Minsan…Nagsisimula ito sa loob.Hindi sa maling programa.Hindi sa ...
16/08/2026

Hindi lahat ng sumisira sa ministry ay galing sa labas.

Minsan…
Nagsisimula ito sa loob.

Hindi sa maling programa.
Hindi sa kakulangan ng budget.

Kundi sa maliliit na ugaling pinababayaan ng leader.

At ang nakakalungkot…
Hindi ito agad napapansin.

Parang anay.

Tahimik.
Pero unti-unti nang kinakain ang pundasyon.

Kaya kung leader ka, hayaan mong suriin tayo ng Salita ng Diyos.

Check this out Leaders 😇

⚠️ 1. Mas mahalaga sa kanya na laging tama kaysa makinig.

May mga leader na kapag may suggestion…

Automatic ang sagot:
“Hindi puwede.”

Kapag may correction…
“Matagal na akong leader, alam ko na ’yan.” 😅

Pero tandaan…
Ang leader na tumitigil matuto, unti-unti ring tumitigil lumago.

Hindi nakakabawas ng awtoridad ang pakikinig.

Sa katunayan, lalo kang iginagalang kapag marunong kang makinig.

⚠️ 2. Mas pinapahalagahan niya ang ministry kaysa sa mga tao.

Kapag may event…
✅Kumpleto ang checklist.
✅Kumpleto ang decorations.
✅Kumpleto ang programa.

Pero may volunteer na palang umiiyak…
Hindi man lang napansin.

Minsan sobrang focus tayo sa gawain…
Nakakalimutan natin ang dahilan kung bakit may gawain.

Ang ministry ay para sa tao—hindi ang tao para sa ministry.

Kung maayos ang programa pero wasak ang mga taong kasama mo…

May mali sa paraan ng pamumuno.

⚠️ 3. Hindi siya marunong magpatawad.

Kapag may nagkamali…
Habambuhay nang may label.

“Siya? Naku, dati ’yan…”

Parang may lifetime subscription sa pagkakamali. 😅

Pero isipin mo…
Kung ganoon ang trato ni Jesus sa atin…
May pag-asa pa kaya tayo?

Ang tunay na leader ay marunong magtuwid.

Pero marunong din siyang magpatawad at magbigay ng panibagong pagkakataon.

⚠️ 4. Kinukumpara ang ministry niya sa ministry ng iba.

“Bakit mas marami silang attendees?”

“Bakit mas mabilis lumago ang group nila?”

Unti-unting nawawala ang kagalakan.
Dahil ang mata ay nakatingin na sa ibang bukid.

Tandaan…
Comparison steals joy.

Hindi ka tinawag ng Diyos para kopyahin ang assignment ng iba.

Tinawag ka Niyang maging tapat sa assignment mo.

⚠️ 5. Nakakalimutan niyang si Cristo ang tunay na Ulo ng ministry.

Ito ang pinakamapanganib.
Kapag dumating sa puntong iniisip mong…

“Kapag wala ako, babagsak ang ministry.”

Baka nakalimutan mo na, kung kanino talaga ito.

Ang simbahan ay hindi itinayo sa pangalan ng pastor.
Hindi sa pangalan ng cell leader.
Hindi sa pangalan ng ministry head.

Itinayo ito kay Cristo.

Privilege nating maglingkod.
Hindi tayo ang Tagapagligtas.

Kundi si JESUS.

“Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain.” — Psalm 127:1

Kung may ministry kang ipinagkatiwala ng Diyos…
Alagaan mo ito.

Pero higit sa lahat…
Alagaan mo ang puso mo.

Dahil ang pinakamalaking banta sa ministry ay hindi palaging pag-uusig mula sa labas.

Minsan…

Ito ay pusong unti-unti nang lumalayo sa Diyos habang abala sa paggawa para sa Diyos.

Kaya bago natin ayusin ang programa…
Hayaan muna nating ayusin ng Diyos ang ating puso.

Dahil ang ministry na may tamang puso ay maaaring dumaan sa maraming pagsubok…

Pero hinding-hindi ito mawawalan ng direksiyon, sapagkat si Cristo ang nananatiling sentro ng lahat. ❤️

“Sa TITHES raw kami nag-pastor?” 😂Kung pera lang ang habol, sana ibang trabaho na lang ang pinili ko. 😅— Ps. Samson Bacl...
15/08/2026

“Sa TITHES raw kami nag-pastor?” 😂

Kung pera lang ang habol, sana ibang trabaho na lang ang pinili ko. 😅

— Ps. Samson Baclawman.

‼️Hindi simpleng desisyon ang pagpapastor. Nangangailangan ito ng TIYAK na CALLING kaya hindi ito para sa kung kani-kani...
15/08/2026

‼️Hindi simpleng desisyon ang pagpapastor. Nangangailangan ito ng TIYAK na CALLING kaya hindi ito para sa kung kani-kanino lang lalo na sa mga taong naghahangad na YUMAMAN.

Hindi ito nauunawaan ng marami. Mayroon pa ngang NAG-AAKUSA na kaya daw nagpastor ang isang pastor ay para mangolekta ng IKAPU sa simbahan. Akala nila, sa PASTOR napupunta ang mga kaloob sa church. Hindi nila alam na minsan, kinakailangan ng PASTOR na magtiis sa mga kakulangan niya sa pangangailangan sa buhay at hindi niya ito maaring ipaalam sa church sa takot na siya ay MAHATULAN.

Maraming pastors ang halos walang tinatanggap na suportang PINANSYAL mula sa kanilang pinaglilingkurang SIMBAHAN. Minsan, kung wala pang indibidwal o samahan na magbibigay suporta sa kanila ay kinakailangan pa nilang maghanap ng PAGKAKAKITAAN matustusan lang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Minsan, pati pangangailangan ng Church ay sila pa rin ang naghahanap ng paraan para MAPUNAN.

Bagaman may mga pastors na naglilingkod sa malalaking simbahan at nabibigyan sila ng SAPAT na suportang pinansyal, hindi pa rin sila magiging MAYAMAN sapagkat hindi ito ang CALLING ng isang Pastor. Hindi sa SALAPI nakatuon ang isip at puso ng isang pastor kundi sa DIOS na tumawag sa kanya upang maglingkod anuman ang maging kapalit nito. May mga pastors na mas maayos ang kalagayan kaysa iba pero hindi pa rin sila magiging MAYAMAN.

Ang isang PASTOR na YUMAMAN dahil sa pagpapastor ay nakakapagduda maliban na lamang na siya ay mayroong sariling BUSINESS. Ang pagyaman bunga ng PANGANGARAL ay isang malaking TANONG. Paano at ano ang kanyang ipinangangaral na nagbunga ng pagyaman? Alam nating may mga nagpapanggap na tagapagturo hindi para MAGSAKRIPISYO kundi ang MANGOLEKTA ng sakripisyo ng kanyang mga tinuturuan. Minamanipula ang kanilang tinuturuan para sila ang MAKINABANG.

Bagaman hindi sa PAGYAMAN ang destinasyon ng isang tapat na PASTOR, hindi naman ito nangangahulugan na hindi REWARDING ang kanyang paglilingkod. Bakit? Sapagkat ang Panginoon ay may sariling paraan kung paano Niya pinagpapala ang Kanyang tapat na lingkod. Minsan, gumagamit Siya ng mga tao na magpaparanas sa isang pastor ng mga bagay na hindi niya karaniwang MARARANASAN para marefresh sila. May mga naglolove-gift ng pera. May mga nagtitreat sa kanya at sa kanyang Pamilya. May mga nagkakaloob ng scholarship sa mga anak. May mga TUMUTULONG sa panahong kailangan ang pagpapagamot at kung anu-ano pang mga pagpapala.

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐘𝐔𝐌𝐀𝐘𝐀𝐌𝐀𝐍 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃!

Ang pinakamagandang REWARD sa lahat, ang YAMAN na naiipon ng isang lingkod sy hindi panandaliang yaman na iiwanan lamang din kapag namatay. Sa halip, madaming yaman ang naiipon ng isang Pastor sa KALANGITAN na hindi mananakaw o masisira man lang.

𝐌𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐭𝐨𝐫, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚𝐩! 𝐘𝐮𝐧 𝐧𝐠𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐲𝐮𝐦𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐭𝐨𝐫 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐭𝐨𝐫!

- Ps Samson Baclawman.

Address

Amnay Pag Asa Sablayan Occidental Mindoro
Sablayan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ps. Samson Baclawman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share