06/01/2026
JUNIOR JOURNALIST GUILD - ANG DAHON
'Ang Dahon' ay sumasagisag sa buhay, pag-asa, at katotohanan—mga pagpapahalagang kaakibat ng pagiging isang Girl Scout. Layunin nitong maging daluyan ng mga kuwento, karanasan, at isyung mahalaga sa mga kabataang babaeng patuloy na hinuhubog ang kanilang paninindigan at diwa ng paglilingkod.
Sa Taóng Panuruan 2025–2026, naninindigan ang Editorial Board at Staff ng Ang Dahon sa tapat, makabuluhan, at makataong pamamahayag. Sa likod ng bawat pahina ay ang dedikasyon ng mga kabataang mamamahayag na gumagamit ng panulat bilang kasangkapan ng katotohanan at serbisyo. Buong pagmamalaki naming ipinapakilala ang Editorial Board and Staff ng 'Ang Dahon', AY 2025–2026—mga tinig na patuloy na uusbong at magsisilbi para sa mga kabataan, kung saan bawat karanasan ay ganap at maayos na naipapahayag.