15/05/2026
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐁𝐈𝐋𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐊𝐎𝐋
Tena't Magkarakol!
Sa gitna ng ating masayang pagdiriwang para sa kapistahan ng ating pinakamamahal na Ina, Patrona, at Reyna, ang Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario, nawa’y manatili sa ating puso ang diwa ng tunay na debosyon, pagkakaisa, at paggalang.
Bilang mga mananampalataya at deboto, inaanyayahan ang bawat isa na pairalin ang maayos na asal, disiplina, at pakikipagtulungan upang maging payapa, ligtas, at makahulugan ang ating pagdiriwang. Higit sa lahat, nawa’y maipakita natin ang pagiging Maka-Diyos, Maka-tao, Maka-kalikasan, at Maka-bayan sa bawat kilos at pakikibahagi sa mga gawain.
Sa pamamagitan nito, tunay nating maipapadama ang ating pagmamahal at pagpupugay sa ating mahal na Ina, Patrona, at Reyna ng Karakol.
Kaugnay nito, narito ang ilang paalala at tagubilin na inaasahang susundin ng lahat para sa maayos na pagdaraos ng Karakol.
Pagpalain nawa tayo ng Diyos sampu ng ating mga pamilya sa tulong ng mga panalangin ni Maria, ang ating Ina, Patrona, at Reyna ng Karakol!