05/10/2026
MULING SUMAYAW PARA SA PANANAMPALATAYA AT PASASALAMAT.
Muling nakibahagi ang Kulturang Salinas sa Karakol 2026, bilang pagpapatuloy ng isang tradisyong buhay na buhay sa puso ng bawat Rosarian.
Sa bawat kumpas ng kamay at paa, bawat indak, at bawat tugtog ng Karakol, buong puso nating iniaalay ang ating sayaw bilang papuri, pasasalamat, at pananalig sa ating Mahal na Ina, Nuestra Señora del Santisimo Rosario – Reina del Caracol. ❤️🙏
Ang Karakol ay hindi lamang isang sayaw. Ito ay tradisyong nag-uugnay sa ating pananampalataya, kultura, at pagkakaisa bilang isang komunidad. At bilang Kulturang Salinas, patuloy nating isinasabuhay at ipinapasa sa susunod na henerasyon ang kulturang ating minamahal.
Sa biyaya at patuloy na suporta ng Municipality of Rosario, sa pangunguna ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente Jr. at Vice Mayor Bamm Gonzales, mas lalo nating napapalakas ang ating mga kabataan na gamitin ang kanilang talento at kakayahan upang ipagmalaki at ipagpatuloy ang ating kultura at tradisyon.
Para sa kultura. Para sa pananampalataya. Para sa Rosario. Para sa Mahal na Ina. 💚❤️
Kulturang Salinas — patuloy na sumasayaw, at patuloy na nagmamahal sa kulturang atin.